CHAPTER 28: My Dream

46 10 95
                                    

CHAPTER 28: My Dream

Matapos ang namimighating gabing iyon, inapoy agad ako ng lagnat. Masyado kasi akong nababad sa ulan nang gabing iyon, maging si Cyrus ay nilagnat din. Ngunit panandalian lamang, wala pang isang araw ay gumaling na agad siya.

Samantalang, ako ay tatlong araw nang may sakit. Hindi nakakapasok at hindi nakakapag-duty. Nang gabing ding iyon ay inamin ko kay Cyrus ang totoong nangyari dahil nagtataka siya kung bakit ako naghihinagpis sa gitna ng ulan.

Siya ang naging karamay ko no'n, nakuwento ko sa kaniya ang lahat nang namagitan sa amin ng Kuya Cielo niya. Pero hindi niya ako hinusgahan, sa halip ay naintindihan niya raw kami.

Dinamayan niya ako buong magdamag hindi niya ako iniwan kahit pareho na kaming inaapoy ng lagnat. Mabuti na lamang nauna siyang gumaling sa'kin kaya nakapasok na rin agad siya sa school.

Halos gabi-gabi rin akong umiiyak, kaya siguro hindi ako gumagaling agad dahil sa pagpupuyat ko. Tuwing gabi'y hinihintay ko ang message ni Cielo, hinihintay ko ang tawag niya ngunit wala ni-isa. Buong akala ko kasi ay mag-aalala siya sa'kin dahil ilang araw na akong hindi nakakapaso pero wala, e...talagang wala na yata siyang pakialam sa'kin.

Hindi ko pa rin makalimutan 'yong gabing nakipaghiwalay siya sa akin. Nandito pa rin ang sakit...damang-dama ko pa rin ang kirot na dulot no'n sa akin. Sa bawat araw na nagdaang wala siyang paramdam, mas lalo lang akong nasasaktan.

Sa katotohanang hanggang dito na lang talaga kami...katotohanang tapos na ang istorya naming dalawa. Ito na 'yong dulo...ang dulo na hindi ko inaasahan...

Pang-apat na araw ko nang hindi pumapasok, ayaw pa kasi ako papasukin nila Mommy. Kahit sinabi ko namang okay na ako, kailangan ko pa rin daw magpahinga ng ilang araw. Galit nag alit nga siya no'ng nalaman niyang nabasa kami sa ulan ni Cyrus dahil daw ro'n ay nagkasakit kaming dalawa.

Sinabi lang namin ni Cyrus na naabutan kami ng ulan at naisipang maligo. Hindi naman kasi naming p'wedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako nasa labas sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng isang romance book. Wala naman akong ibang magawa, magbasa, at manood lamang ng movies. Kaya'tcbagot na bagot na rin talaga ako. Nahagip ng paningin ko ang malaking pink na teddy bear na binigay sa akin ni Cielo, na pinangalanan kong 'Ciella'...

Hindi ko mapigilan ang aking sarili, kusang bumagsak ang aking mga luha habang yakap ko ito ng mahigpit. 'Yung sa bawat paghinga mo, ramdam mo 'yong sakit na wala nang kayo. Ang sakit lang isipin na 'yong taong nagbigay nito sa akin ay hindi na akin...iniwan na kami ng daddy ni Ciella.

Sinukuan na niya kami agad...sabi niya pa gagawin niya lahat. Ipaglalaban niya ang pagmamahalan naming dalawa dahil worth it daw ako. Pero ano nangyari? Bigla na lang siyang sumuko agad...bigla na lang niya akong binitawan nang gano'n lang...

Sobrang miss ko na siya...

Nang makarinig ako nang marahang katok sa pinto, mabilis kong pinahiran ang pisngi kong may luha. Bumungad sa akin si Manang Fe na malawak ang kaniyang ngiti, habang hawak ang tray, at may lamang isang tasa ng green tea. Agad din naman akong napangiti sa sa kaniya at bahagya pang umayos sa aking pagkakaupo.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiti niyang tanong nang makalapit siya sa kama ko.

"Okay naman na po, Manang. Kaya ko na ring pumasok bukas, over lang po mag-react si Mommy."

"Eh, ikaw kumusta ka?"

"P-po?" gulat kong tanong sa kaniya. Inilpag niya sa side table ang hawak niyang tray at saka siya naupo sa tabi ko.

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon