CHAPTER 16: Motorbike
The next morning I woke up with a wide smile... I saw a note on my side table that sparrow included three pieces of pink roses and also, a medicine kit.
Alam ko na agad kung kanino galing ang mga iyon, medyo maliwanag na nang magising ako. Napasarap nga talaga ang tulog ko, agad ko namang binasa ang note na iyon na nakasulat sa isang magandang papel na may design na stars.
Kyeopta!
My brighter star:
Good morning, babe! I will be gone for 2 days, but I promise that as long as our seminar is over, I will go home immediately. Uuwi ako agad sa'yo... :) For now, take the meds I left here first, but If you're not still feeling well, just rest at home.
I miss you every second...my heart beats for you. I love you! Mani saranghae!
Yours only,
Sky <3
Kagat-labi akong napangiti nang mabasa ang note niyang iyon...sobrang kilig ang nadarama ko sa mga oras na ito. Iba rin talaga siyang magpakilig—wagas!
Kinuha ko ang roses at inamoy-amoy 'yon, tapos ay inabot ko ang phone ko saka nag-message kay Cielo. Sinabi kong kagigising ko lang at okay naman na ang pakiramdam ko, he don't need to worry.
Sinabi ko rin sa kaniya na kaya ko naman na mag-duty ngayon, nagpasalamat rin ako sa roses na iniwan niya, sa note at sa medicine kit.
Sinabi kong mag-iingat siya roon at huwag na huwag magpapalipas ng gutom. Sinabi ko ring hihintayin ko siyang umuwi sa'kin. Matapos kong i-sent ang message sa kaniya saka ko nilagay sa isang malinis na vase ang bulaklak at nilagyan iyon ng tubig.
Naligo na rin ako bago bumaba para kumain ng breakfast. Sobrang ganda ng umaga ko ngayon, iyon nga lang, wala si Cielo...wala ang mahal ko, at take note, two days siyang mawawala.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi siya makita at makasama sa loob ng two days...nasanay na talaga akong lagi siyang kasama.
Mamimiss ko siya nang sobra-sobra...kung pwede lang sana sumama sa kaniya, e. Kahit ilagay niya lang ako sa maleta niya...natawa naman ako sa naisip kong kalokohan.
I miss him already...
Sumabay ako kay Cyrus pagpasok dahil wala naman si Cielo. Madaling araw pa lang daw kasi ay umalis na siya kanina. Sa Bataan pa raw kasi gaganapin ang seminar nila, hindi ko nga alam kung sino ang kasama niya roon.
Sana lang talaga ay hindi si Sophie ang kasama niya! Hindi ko nga nabanggit kay Cielo ang nanagyari kahapon sa'min ng doctor na iyon. Ang deretsang pagsabi niya sa akin na hindi niya ako gusto, kahit apo pa ako ni Chairman Park.
Ano bang problema niya? Para siyang ampalaya...sobrang bitter niya...
"Annyeong, noona!" paalam ni Cyrus nang marating na namin ang school niya. Bumaba rin ako ng sasakyan para silipin siya hanggang sa makapasok siya sa loob.
(Goodbye, big sister)
Nakangiti kong ginulo ang buhok niya. "Behave ka, ah? Bawasan ang pagiging masungit?" mapanukso ko siyang nginitian. Alam kong hindi siya masungit pero no'ng nakita ko siya kahapon na sinungitan ang isang female student ay laking pagtataka ko.
"Aish, noona! I'm not masungit," nakanguso niyang sagot.
"Arayo! Sige na, pumasok ka na sa loob—"
"Cycy!" sigaw ng isang female student na nakangiting kumakaway pa sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomansaIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...