CHAPTER 15: Your Love

110 30 268
                                    

CHAPTER 15: Your Love

Pagkauwi ko sa mansion, naabutan ko sina Chairman na kumakain kaya naman napilitan pa akong sumabay sa kanilang mag-dinner kahit pakiramdam ko ay busog pa ako.

At wala rin talaga akong gana dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Kaya matapos naming maghapunan ay nagpaalam na akong magpapahinga na dahil medyo masama nga ang pakiramdam ko.

Hindi rin namin kasabay si Cielo maghapunan, dahil sabi ni Tita Celeste ay hindi pa rin daw siya nakakauwi.

Nang tingnan ko naman ang phone ko ay gano'n pa rin wala pa rin siyang message, sinubukan ko rin siyang tawagan pero nakapatay pa rin ang phone niya.

Ssi-bal! Nag-aalala na ako sa kaniya...naiintindihan ko naman siya na kaya siguro ganito na naman ang kinikilos niya dahil sa nangyari kanina.

Pero sana naman ay magsabi siya sa akin kung nasaan siya, dahil nag-aalala rin ako sa kaniya at girlfriend naman niya ako. May Karapatan din naman siguro akong malaman kung nasaan siya, kung okay ba siya.

Karapatan kong i-update niya ako kung ano na ba ang nangyayari sa kaniya...

Matapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay nahiga na rin ako agad, uminom na rin ako ng gamot. Para hindi magtuloy-tuloy ang sama ng pakiramdam ko dahil may duty pa ako bukas.

Kahit anong pilit kong matulog hindi pa rin ako makatulog, kaya nanood na muna ako ng Korean drama sa laptop.

Nakadalawang episode na ako pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko rin naman masyado naintindihan ang pinapanood ko dahil panay ang tingin ko sa phone ko, nagbabakasakaling may message si Cielo pero wala pa rin.

Inis kong pinatay ang laptop ko at hihiga na sana nang biglang may mahinang katok akong narinig sa pinto.

Hindi ko naman iyon nai-lock kanina, kaya bumukas rin ito matapos ang tatlong sunod na katok. Bahagya pa akong nagulat nang makitang si Cielo ang iniluwa ng pintuang iyon, napanguso ako agad nang makita siyang papalapit na.

Hindi ko siya papansinin, naiinis ako sa kaniya! Nakauwi na pala siya wala man lang pasabi!

"Sorry, matutulog ka na ba?" mahina niyang sambit na deretsong nakatingin sa akin.

"Oo, may kailangan ka ba?" walang gana kong tanong sa kaniya at bahagyang inayos ang comforter ko.

Lumapit siya sa kama ko at naupo sa tabi ko, bakas sa hitsura niya ang lungkot...medyo mapungay rin ang mga mata niya na tila umiyak siya.

Bakit? Hindi naman ganito si Cielo nang mga nakaraang araw, kaya ramdam kong hindi siya okay ngayon, bakas din sa mukha niyang may dinaramdam siya.

Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko...ramdam ko ang mainit niyang hininga roon.

"S-sorry..." mahina niyang sambit na tila hirap na hirap pa siyang sabihin iyon.

"W-why are you saying sorry?"

I felt that he took a deep breath. "I'm sorry d-dahil wala akong kwenta...I'm so irresponsible all this year, gano'n pa rin ako...pabaya ako. Napabayaan kita—kayo..." his cracked voice broke my heart.

Naramdaman ko na lang na may kung anong tumulo sa leeg ko...I knew it! Umiiyak siya...parang dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito.

Na napagtanto kong umiiyak siya, ramdam ko ang bigat na kaniyang nadarama.

"No—don't say that...you're not irresponsible. Hindi ka pabaya, okay?" naramdaman ko ang pag-iling niya sa leeg ko kasuod no'n ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon