CHAPTER 14: Bitter

133 31 404
                                    

CHAPTER 14: Bitter

Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na namin, kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko. Then, I checked my phone kung nag-message ba si Cielo sa akin pero nadismaya lang ako dahil kahit isang message ay wala.

Nasanay kasi ako kahit na oras ng duty nag-memessage naman siya sa akin, gano'n din bago mag-lunch nakukuha niya pang tumawag para yayain akong kumain. Pero ngayon—wala...walang kahit anong message at tawag.

Napanguso akong tiningnan ang convo naming dalawa, gayunpaman, I sent him a message saying na kumain na siya. Siguro ay busy lang siya ngayon, hayaan ko na lang muna siya.

Bahagya pa akong nagulat nang biglang may kumatok sa station desk kaya mabilis kong tinignan kung sino iyon baka kasi si Cielo but I was wrong...

It's James...

"Lunch? Baka nakakalimutan mong ililibre mo ako?" he mischievously smiled at me.

"Baka nakakalimutan mong sinabi mong ikaw na ang manlilibre?" I rolled my eyes at him.

Natawa naman siya at bahagya pang napakamot sa ulo niya, tumayo na ako at kinuha ang purse ko.

Pagkalabas namin ng elevator nakasalubong naman namin si Chloe sa hallway na mag-isang naglalakad. Nang makita niya kami ay agad naman siyang lumapit sa amin.

"Beb! Oh, my Gee! Where are you going?" excited niyang tugon at napabaling naman ang atensyon niya kay James. "Oh, kasama mo na naman si James...saan kayo pupunta? Date?" mapanukso niyang tanong.

I instantly glared at her. "Ya! Sira ka, hindi, no! Kakain lang kami, hello! Lunch time na kaya—sama ka libre ni James," nakangising sinulyapan ko pa siya.

"Of course, basta libre G na G ako d'yan!"

"Ha? Libre ko? It's your treat, Ella 'di ba?" ngumiti ng nakakaloko si James.

"Akala ko ba gusto mo ko..." mabilis na napalingon sa akin si Chloe na nanlalaki pa ang mga mata niya.

Pansin ko rin ang pagkagulat ni James at bahagyang namula pa ang pisngi nito. Napailing na lang ako sa kanila.

Parang mga tanga...

"H-ha? What did you—"

"Akala ko ba gusto mo akong ilibre?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Parang nabunutan naman ng tinik ang itsura niya.

Bakit ba? Ano ba ang pagkakaintindi niya sa tanong ko?

"Ehem! Tama na landian pwede? Nasa harapan n'yo ko! Mahiya kayo! Tara na, oh James sasagutin ka na raw ni Ella—arayyy! I mean sagot mo kami," natatawang sabi niya dahil kinurot ko ang tagiliran niya.

Nababaliw na naman 'tong kaibigan ko kung ano-ano na naman ang sinasabi niya. Natatawang naunang naglakad na si James at iniwan kaming dalawa ng bruha kong kaibigan.

Nagyaya si James sa isang Japanese restaurant, big time talaga, e. Mabuti na lang malapit lang iyon sa hospital dahil hindi naman kami pwedeng magtagal rito at may duty pa kami.

Nang maka-order na kami ng pagkain ay nagpaalam sandali si James na pupuntang comfort room. Nilabas ko naman ang phone ko para i-check kung nag-message na ba si Cielo.

Napangiti ako agad nang makitang may message siya. Sinabi niyang may pinuntahan daw siya kaya hindi siya makakasabay sa aking mag-lunch ngayon.

Kumain na rin daw ako at huwag magpapalipas, sabay raw kaming uuwi mamaya, hintayin ko na lang daw siya.

Kagat-labi akong nag-reply agad sa kaniya, nawala ang pangamba ko kanina no'ng hindi siya nag-message sa akin.

Sinabi kong nasa Japanese restaurant ako na malapit sa hospital, kasama sina Chloe at James dahil manlilibre si James.

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon