CHAPTER 31: Special Vacation
Maghapon kaming namalagi sa condo ni Cielo, nagpunta rin kaming mall para mamili ng mga snacks at ingredients. Ipinagluto niya kasi ako ng favorite kong dish na chicken curry. Sa aming dalawa, siya kasi ang marunong magluto at sobrang sarap niyang magluto kasing sarap niya...
Bawat minuto sinulit naming magkasama kaming dalawa...bumawi kami sa mga araw na hindi kami nagkasama. Mga araw na pareho kaming nagdusa hinggil sa naging hiwalayan namin...
Nang gumabi na, hinatid na rin niya ako sa bahay amin at sinabihan ko naman siyang umuwi na sa mansion. Sinabi kong nakausap ko ang Mommy niya at nag-aalala na iyon sa kaniya dahil hindi na nga siya umuuwi roon. Napapayag ko naman siya at nakinig sa akin na umuwi na sa mansion. Mabuti naman dahil alam kong matutuwa ang Mommy niya.
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at nagpatuloy pa rin ang relasyon naming dalawa ni Cielo, na lingid sa kaalaman ng aming pamilya. Maliban kina Cyrus, Chloe, at James na alam ang tunay na namamagitan sa aming dalawa ni Cielo. Nag-iingat na rin kami sa mga kilos namin sa ospital dahil ayaw naman naming maghinala ang mga staff doon.
Gano'n pa rin ang pakikitungo sa akin ni Doc Sophie, malamig at masyadong mainit ang dugo niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinapansin sa kung anong trip niya, pinakikisamahn na lang din siya ni Cielo bilang professional.
If she didn't really like me, I don't care...
"Ahh! Nakakainggit ka, beb! Ikaw na may three days leave. Iba talaga kapag special, e!" napapairap pang sambit ni Chloe at natatawang napailing na lang ako sa kaniya.
"I told you naman kasi na sumama kayo ni James. Ayaw mo naman!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Duh! Hindi na, makaistorbo pa kami sa honeymoon—I mean sa vacation trip ninyo, e."
"Aish! If you want sumunod na lang kasi kayo sa Siargao..." pang-uudyok ko pa sa kaniya.
"Hindi na, ayoko nga! Ikaw ba James baka gusto mong sumama kina Ella? Baka gusto mo maging third-wheel?" natatawa niyang baling kay James habang abala ito sa pagkuha ng luggage ko sa likod ng sasakyan.
"No thanks! Bakit hindi na lang kaya ikaw? Mukhang naiinggit ka naman, e..." masungit niyang sagot nang maibaba na niya ang luggage ko.
"Damn you—"
"Ya! Mag-aaway na naman kayo!" awat ko sa kanila na pumagitna sa kanilang dalawa. "Enough na, okay? Nasa loob na raw si Cielo, mauna na ako sa inyo. Thank you sa paghatid sa akin."
Pumagitna na ako sa kanila baka kasi magtalo na naman sila. Masyado pa namang pikon itong si Chloe, kahit siya naman ang nauunang mang-inis. Pero malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa dahil tinutulungan at pinagtatakpan nila ako sa tuwing may date kami ni Cielo.
"Okay, fine! Enjoy! Sulitin n'yo na ang mga araw na magkasama kayo! Yieee!" kinikilig pang sabi ng bruha kong kaibigan.
Natatawa na lang ako sa kaniya parang kailan lang kasi, galit na galit siya kay Cielo. No'ng nakipaghiwalay siya sa'kin, pero nang malaman niya naman ang dahilan ni Cielo, naintindihan naman daw niya 'yon. At masaya siyang nagkaayos na raw kaming dalawa, at hinihiling niyang hanggang dulo na raw kami...
"Of course! We will! Bye na!" paalam ko sa kaniya at bahagya siyang niyakap. "Bye, James! Thank you, ah!" nakangiti ko siyang tinapik sa braso niya.
"Hmm. Yeah, take care, Ella..." tipid na ngumiti siya sa akin at bahagya pang ginulo ang buhok ko. Sandali pa kaming napatitig sa isa't isa, naagaw lang ni Chloe ang atensyon namin nang bahagya siyang tumikhim.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...