CHAPTER 22: Unexpected Visit
"Delivery po for Ms. Ella," rinig kong sambit ng isang lalaki.
"Ella raw!" sigaw ng classmate kong si Yumi. "Hey! May delivery raw for you!" lumapit siya sa akin at tinapik ako sa kamay.
Kasalukuyan kaming nasa nurse station habang busy ako at nakatutok sa computer, na inaayos ang chart ng mga pasyente.
Kunot-noo ko siyang tiningnan saka tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan ang lalaking tantya ko ay nasa 30's niya. Nakangiti siyang tumango sa akin...siya na naman, siya ang palaging nagde-deliver sa akin.
"For you again, Ms. Ella. Pa-sign na lang po ako rito," malawak ang kaniyang ngiti nang iabot niya sa akin ang isang malaking bouquet ng pink and white Tulips.
Mabilis ko namang kinuha iyon at pumirma sa isang papel na iniabot niya sa akin.
"Thank you po ulit."
Nagpaalam na 'yung delivery boy, agad ko namang kinuha ang card na nakaipit sa bulaklak at tiningnan kung kanino galing iyon.
Kahit alam ko naman kung kanino talaga galing ito. Nakangiti kong binasa ang nakasulat sa isang maliit na puting card...
To my brightest star:
These flowers are as beautiful as you that blossom each day and brighten up my everyday. Let's date tonight. I love you!
Love,
Your Sky <3
Hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi, nang mabasa ko ang nakasulat na iyon sa card. Masaya kong inamoy-amoy ang mga bulaklak. Sobra ang kilig na nararamdaman ko...araw-araw ay pinaparamdam sa akin ni Cielo kung gaano ako ka-espesyal sa kaniya.
Isang linggo nang pabalik-balik rito ang delivery man na iyon. Dahil isang linggo nang nagpapa-deliver si Cielo sa akin ng kung ano-ano...last time may chocolates, isang malaking pink na teddy bear, flowers at pagkain.
"Wow! Another bouquet, ha? Ang swerte mo naman, Ella sa admirer mo. Sino ba 'yan? Pakilala mo naman sa'kin," nakangising sambit ni Yumi nang makalapit sa akin.
Bahagya pang sinisilip ang hawak kong card at mabilis ko naman iyon na ibinulsa.
"Ahm— hindi nagpapakilala, e. Masyadong misteryoso..." pagsisinungaling ko.
Umismid siya. "Weh? Mysterious guy, ha? Feeling ko si James lang 'yan! Kilig!"
"No— hindi si James," mabilis kong sagot.
She pouted. "Ah, basta feeling ko siya talaga!" inilingan ko na lang siya. "Oh, nandiyan na pala si Mr. James Evan, e!" mapanuksong tinuro niya si James na papalapit sa amin habang hila-hila niya ang stand ng BP at hawak ang isang chart.
"Yes, why?" inosente niyang tanong.
"Sa'yo galing 'to? Ikaw, ah? Umamin ka na, ikaw ang secret admirer ni Ella! Yieee!"
Yes, iniisip kasi nilang meron akong secret admirer dahil ba naman sa isang linggong walang tigil nang kapapadala si Cielo ng kung ano-ano sa akin.
Para niya tuloy akong nililigawan, kahit sinabi ko namang hindi na niya kailangan magbigay ng kung ano-ano sa akin. Siya lang ay higit nang sapat, pagmamahal niya lang ng buong puso, kaluluwa at katawan niya lang ang kailangan ko. But Cielo being Cielo sobrang sweet at romantic na tao...
Wala naman akong pinagsasabihan sa mga kasama ko rito kung kanino nanggagaling ang mga bulaklak at chocolates na mga natanggap ko. Maging kay James ay hindi ko sinabi sa kaniya, hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang totoo.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...