CHAPTER 36: Awful Accident

47 9 104
                                    

CHAPTER 36: Awful Accident

"Noona!" tawag sa akin ni Cyrus. Habang tumatakbo siyang palapit sa akin. Mabilis niya akong niyakap at doon na ako humagulgol sa kaniyang dibdib. "How is he? Mianhe, noona..." nangangatal niyang sambit.

"A-ano ba k-kasi nangyari, Cyrus? B-bakit? B-bakit na—" Patuloy kong paghikbi na hindi maituloy ang sasabihin.

"Sshh...I'm sorry, noona. Masyadong mabilis kasi ang pangyayari..." malungkot niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko.

Hindi ko na nakuhang sumagot sa kaniya. Naagaw ang atensyon naming dalawa nang makarinig kami ng tunog ng automated external defibrillator. Mabilis kaming lumapit ni Cyrus doon sa kamang iyon, at nakita naming nire-revive ni Doc Josh ang walang malay na si James...at tuluyan na akong humagulgol nang makita ko ang eksenang 'yon...

Marahan kong pinahid ang luha ko, at pinisil-pisil ang mainit na kanang kamay ni James. Tatlong buwan na siyang comatose, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon, paulit-ulit na nadudurog ang puso ko...at sinisisi ko ang aking sarili sa aksidenteng 'yon.

Hindi deserve ni James ang kalagayan niya ngayon, hindi dapat siya nakaratay rito. Kasalanan ko dahil pinilit ko siyang tumuloy sa race niya. Kahit sinabi niyang hindi na siya tutuloy dahil hindi ako makanonood noong araw na iyon.

Pero pinilit ko siya dahil alam kong gusto pa rin niyang ituloy ang huling race niya. Pero sana pala, hindi ko na lang siya pinilit...hindi sana siya na-comatosed. Wala sana siya rito sa kuwartong ito. Wala sanang mga aparato ang nakakabit sa kaniyang katawan...

I badly felt guilty for what happened to him. He doesn't deserve this...

"J-James...ang daya mo naman, e. Puro ka tulog! S-sabi mo tutulungan mo ako sa pag-manage ng ospital na 'to. Bakit hindi ka pa gumigising? Ssi-bal ka!" humihikbi kong sabi habang hawak ang kamay niya.

Napabuntong-hininga ako nang malalim dahil nahihirapan na ako sa pag-iyak ko. Sa tuwing nakikita ko talaga si James na ganito ang kalagayan niya, e hirap na hirap ako. Muli ko na namang pinahid ang mga luhang walang tigil sa pagpatak sa'king pisngi.

"James...sorry dahil kung hindi sana kita pinilit that time, w-wala ka sana ngayon dito...malamang ay kinukulit mo ako ngayon. S-sorry, James...sorry for everything. Alam mo ba? Feeling ko ang sama-sama ko dahil— I have not been able to return your love for me. I'd never made you feel that you were special to me. Hindi katulad sa'yo, na palagi mo'ng ipinaparamdam sa akin how special I am for you...

James did not fail to make me feel his love for me. He didn't fail to make me feel how special I am to him. Samantalang, ako ay halos hindi ko nagawang suklian lahat ng iyon kay James. Pakiramdam ko tuloy ay pinapaasa ko lang siya...he didn't want to stop though. Kahit sinabi ko na noon sa kaniya na baka hindi ko maibigay ang sagot na matagal na niyang hinihintay sa akin.

Pinagpatuloy pa rin niya na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Nang hindi man lang humihingi ng kahit na anong kapalit. Pinaramdam pa rin niya sa'kin na hindi ako nag-iisa...he's been always by my side. Hindi siya napagod sa paggawa ng mga bagay na alam niyang makapagpapasaya sa'kin.

"Nagbalik na siya James...after 8 years, bumalik na siya. Nakakatawa kasi kahit galit na galit ako sa kaniya...mayroon pa rin sa puso kong nagsasabing masaya ako dahil bumalik siya. Mayroon pa rin sa puso kong pag-asa na baka— sakaling puwede na kami ulit..." Huminga ako ng malallim at marahang hinaplos ang kamya niya. "I'm sorry, James...pero hindi ko na talaga maibibigay sa'yo ang sagot na matagal mo nang hinihintay..."

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon