CHAPTER 9: Secret Affair
Kinakabahan akong lumingon sa kaniya...hindi ko rin maintindihan kung bakit ba kasi ako kinakabahan. Baka naman kasi may sasabihin lang siya akin na importante, masyado lang yata akong nag-ooverthink nito.
Huminga ako nang malalim at pinilit na huwag pahatalang kinakabahan ako; kaya lang ay hindi talaga maalis ang nerbiyos ko...
"Hmm, y-yes?" ninenerbiyos kong tanong sa kaniya nang lingunin ko siya.
He looked first at Cielo then glanced at me. "Hinahanap ka ni Ma'am Berboso."
"Ha? B-bakit daw?"
"She has something to tell you, let's go?" agad naman akong tumango sa kaniya.
"I'll go with you," Cielo suddenly snapped, kaya nilingon ko pa siya.
"Hindi na, babe—oppa! A-ah, kami na lang ni James."
Kunot-noo akong tiningnan ni James saka siya bumaling kay Cielo. "We'll go ahead, Doc," sagot sa kaniya ni James.
Shit, Estrella! Anong babe ka diyan? Mabubuking ka talaga niyan!
He just nodded, kaya bahagya na lang akong tumango sa kaniya at nginitian siya. Nang bumukas na ang elevator, lumabas ang ilang mga sakay no'n at nakangiting binati si Cielo.
Inalalayan pa akong makapasok sa loob ni James at dalawa na lang kaming naiwan doon. Hindi naman umalis si Cielo sa kinatatayuan niya na nanatiling nakatingin sa'min, hanggang sa magsara ang pinto ng elevator.
"Where's Ma'am Berboso? Bakit naman niya ako gustong makausap?" panimulang tanong ko sa kaniya.
"To her office, in our campus."
"Eh, bakit nga?"
He just shrugged seems he has no intention to answer as well. Nakapagtataka lang bakit ang tahimik niya, mukhang nakita niya talaga kami ni Cielo kanina...pero sana ay hindi talaga...at pinagtataka ko rin kung bakit naman ako gustong makausap ng proffesor namin ng biglaan.
Wala naman akong nagawang mali rito sa hospital sa pagkatatanda ko. Sinusunod ko naman ang lahat ng naka-assign na task sa'min as intern. Hindi ko rin naman pinababayaan ang mga pasyente namin rito...ano kaya ang dahilan ng biglaang pagpapatawag niya sa'kin?
Nang marating na namin ni James ang office ni Ma'am Berboso ay naghintay pa kami sandali roon, dahil may kinausap pang ibang professor si Ma'am Berboso.
And finally, after that kinausap na niya ako, hindi ko expected na makararating sa kaniya ang nangyaring sagutan sa pagitang namin ng tatlong nurse na pinag-iinitan ako kamakailan lang.
Humingi rin siya ng paumanhin sa nangyari at nangakong hindi na iyon mauulit, at bibigyan nila ng punishment ang tatlong iyon. Kahit na sinabi kong huwag na at hindi naman na iyon kailangan, pero hindi raw siya papaya na wala siyang gagawin at nakausap na rin daw niya ang head nurse.
At nagkasundo na sila para sa punishment ng tatlong nurse dahil ayaw naman daw nilang sila ang malagot kay Chairman Park kung sakaling makarating iyon sa kaniya.
Mabuti na nga lang wala rito si Chairman Park...
"Why did you do that? Hindi naman na kailangan, James," I said, as we walk back to the hospital.
"I told you, Ella, that if I have to use my special powers then, I will—just for you," he chuckled.
Hindi ko akalaing malalaman ni James ang naging sagutan namin nina nurse Lucy, at muntik na niyang pananampal sa'kin dahil hindi ko naman sinabi sa kaniya iyon.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...