CHAPTER 8: The Man I Love
"I love you, Ella..." he said between our kisses.
My lips were numb when he released them, pareho kaming naghahabol ng hininga matapos naming pagsaluhan ang mainit na halik na iyon. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang hawak niya ang pisngi ko.
Tama ba ang narinig ko? Sinabi niyang mahal niya ako?
"Oppa..." mahina kong tawag sa kaniya.
He smiled still holding my face. "I've been waiting for this day for a long time...ang tagal ko ring pinigilan ang sarili kong mahalin ka, Ella. But I can't because the first time I saw you, I knew that you are the only woman I want to be with for the rest of my life."
"S-seryoso ka ba sa sinasabi mo? Paano?" nauutal kong sagot sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na ang lalaking mahal ko ay mahal din ako.
He smiled then, squeezed my chin. "Yes, I am serious, Ella. Mukha ba akong nagbibiro?"
"Promise? Wala nang bawian 'yan, ah?"
He nodded a few times. "Of course, mababawi ko pa ba ang nasabi ko na?" he chuckled softly.
"Mahal mo 'ko?"
Muli niyang pinagdikit ang noo naming dalawa. "Mahal kita, Ella! Kahit alam kong mali—pero ang lakas ng tama ko sa iyo, I don't know why...ano bang ginawa mo sa'kin, Ella para mabaliw ako nang ganito sa'yo?"
"I love you too!" nakangiti kong sagot sa kaniya. Hinapit naman niya ako para yakapin at isnubsob ko ang aking mukha sa kaniyang matipunong dibdib.
Hindi ko namalayang bumagsak ang mga luha ko habang yakap ako ng lalaking mahal ko...hindi ako makapaniwalang pareho rin pala kami nang nararamdaman sa isat' isa.
Mahal namin ang isa't isa kahit na mali ito, dahil sa paningin ng lahat magpinsan kami—pamilya kami. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko na sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.
He cupped my face. "Hey, are you crying?" nag-aalala niyang tanong.
"Masaya lang ako dahil nasabi ko sa'yo ang nararamdaman ko. At nalaman kong gano'n din ang nararamdaman mo para sa'kin—pero natatakot ako, oppa, baka malaman nila. For sure hindi papayag ang pamilya natin...lalo na si Chairman."
"Sshh...kahit ako natatakot ako sa oras na malaman nila but—I am with you, I can take a risk just for you, Ella. Huwag ka lang mawawala sa'kin dahil hindi ko kakayaning mawala ang kaisa-isang babaeng mahal ko at mamahalin ko pang lalo," seryoso niyang sabi at hinalikan ang aking noo.
"Hindi ko rin kakayaning malayo pa sa piling mo, baliw na nga ako sa'yo baka mas lalo ko pang ika-baliw kapag nawala ka pa sa'kin," I smirked.
"So, stay here. Dito ka lang sa tabi ko."
Bahagya ko siyang tinulak palayo. "Wait, may naalala ako, e! Anong meron sa inyo ni Doc Sophie?" nakasimangot kong tanong.
"Ha? Wala, bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Well, I saw you—nakita kong niyakap at hinalikan ka niya sa pisngi mo," I rolled my eyes.
Naiinis ako sa tuwing naaalala ko 'yon! Dahil nasaktan ako sa nasaksihan kong iyon!
Gigil na gigil ako sa doctor na iyon! Nakakainis! Makasabi siyang nilalandi ko ang mga doctor at si Kuya Cielo sa ospital?
Eh, siya itong may payakap-yakap at paghalik pa sa pisngi ni Kuya Cielo! Ang sarap niyang tusukin ng scalpel sa mata...pero that's bad...
"Ah, I get it, kaya ka ba nag-eemote kanina dahil 'don? Don't worry wala kaming relasyon ni Sophie. I don't like her... I'm not interested to her," he sincerely said.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...