𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 02💗
Kinabukasan ay maaga siyang nagising para magluto ng kaniyang kakainin baka dito na din kakain ng agahan ang kaniyang kaibigan. Nagluto lang siya ng pancit canton tsaka meat loaf. Hindi naman sila ganun kaburaot ng kaniyang kaibigan.
Lumipas lang ang ilang oras ay tumatawag ang kaniyang kaibigan mabilis niya itong sinagot. [ Hi bes, good morning! ] bati niya dito.
[ Hello bes, papunta na ako diyan mamaya maliligo lang ako. Maagang lumabas sila daddy ngayon kaya walang sagabal dito kung nagluluto ka man ngayon ay dagdagan mo yan diyan na ako mag-aagahan. ] oh diba sakto ako na makikikain dito yun.
[ Kahit huwag mo ng sabihin Jen. Mag-ingat ka pala papunta dito ha? Sige na maligo ka na para makapunta ka na dito. ]
[ Sige bes, sarapan mo yang lulutuin mo ha kapag hindi yan masarap hindi kita sasamahan sa lakad mo ngayon charrr. See you later mwahh! ] natawa naman siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
[ Sira ka talaga, oh sige na. See you mwahh! Ingat. ] hindi na niya hinintay na magsalita pa ang kaniyang kaibigan dahil pinatay na niya ang tawag.
Nang makaluto siya ay naligo na din siya para diretso na sila ni Jenny mamaya para puntahan ang kanilang lakad ngayong araw. Nagtagal siya sa banyo dahil sa pagligo, hindi naman sila nagmamadali sa lakad nila ngayon kaya ayos lang kahit tanghaliin sila.
Makalipas lang ng ilan pang minuto ay natapos na din siya sa pagligo. Saktong paglabas niya sa banyo ay tumunog ang door bell ng kaniyang apartment. Binilisan niyang isinuot ang kaniyang damit tsaka ipinulupot na lang niya sa kaniyang ulo ang tuwalya bago niya pagbuksan kung sino man ang taong nasa labas.
Pagkabukas niya ay si Jenny pala ang nandoon. Mabilis niya itong yinakap ganun din ang ginawa ng kaniyang kaibigan parang hindi sila nagkita ng matagal kung magyakapan sila. Natawa na lang silang dalawa sa kanilang ginawa.
" Ang tagal mong buksan ang pintuan mo kanina pa ako door bell nang door bell." sabi sa kaniya ni Jenny na ikinangiti na lang niya, pumasok silang dalawa sa loob.
" Naliligo ako kanina ineng akala ko matatagalan ka pa sa pagpunta dito. Kain na tayo sobrang taba na ngayon ng pancit canton." hindi pa naman masarap kapag ganun na ang itsura nito.
" Ahmm sa restaurant ba tayo pupunta ngayon o sa iba muna?" tanong sa kaniya ng kaibigan nang makaupo na sila sa hapag-kainan.
" Sa restaurant na lang muna kapag natanggap ako o hindi still maghahanap pa ako ng ibang magaan na trabaho. Kung maganda ang pa-sweldo sa restaurant mag-i-stay ako dun hindi na ako maghahanap ng ibang trabaho." napatango-tango naman sa kaniya si Jenny habang ngumunguya na.
" Sige dun din tayo gusto ko ding mag-work bes pero baka pagalitan ako ni Daddy, dadagdagan ko na naman ang ikakagalit niya nakakasawa na ang boses niyang mala-dragon kung magalit." natawa naman siya sa huling sinabi ng kaniyang kaibigan.
" Sama ka na kasi sa akin, Jen. Malawak naman dito sa apartment kasya tayo sa kama at kung ayaw mo naman akong katabi sa sahig ako hihiga sanay naman ako." nginitian lang siya ng tipid nito.
BINABASA MO ANG
I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)
RomanceTWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niya ito? Maniniwala kaya siya na mahal talaga siya ng dalaga o pinagti-tripan lang siya nito? May mga...