CHAPTER 40

385 18 0
                                    

CHAPTER 40💗

Ewan niya kung ano ang naging trip ni Alhiaz sa isang linggo nila sa Cagayan. Dinala siya nito sa Hot Spring Resort , Sta. Ana, Pagudpud, Kangaroo Beach, Palaui Island, Avalon Beach at sa Anguib Resort.

Pagkatapos nila sa isang beach o resort magse-search na naman kung ano ang isusunod nila na pupuntahan. Kada araw ay may pinapasyalan sila. Ang dami tuloy nilang nagastos. 

Ang haba naman ng date nila 1 week. Bumawi daw ang loko dahil sa nangyari last week.

Nakabalik na din sila sa Manila dahil may aasikasuhin pa daw si Alhiaz sa kompaniya nito. Nahahalata na din niya na hindi na siya masyadong pinapapunta ni Alhiaz sa trabaho. Parang nahihiya na din siya na pumasok dahil ilang araw na siyang absent, simula pa noong may nangyaring hindi maganda sa kanila ni Alhiaz.

" Grabe naman 'yang 1 week na date bes," hindi makapaniwalang sabi sa kaniya ng kaibigan. 

Abah! Kasalanan pa niya? Hindi naman niya pwedeng tanggihan 'yon dahil nag-e-enjoy ang kaniyang boyfriend sa ginagawa. Ayaw niyang maging KJ na girlfriend. 

" Kami nga ni Dominic ay hindi pa 'yan nagagawa. Sana sa ibang bansa niya ako dadalhin hehehe," napairap na lang siya sa kaibigan. K-Pop lover pa din ang bruha.

" Kamusta naman sa restaurant?

" Gaga hinahanap-hanap ka ng isa nating katrabaho, si Leslie," kumunot naman ang noo niya doon.

Bakit naman siya hinahanap ni Leslie?

" Bakit daw?" tanong niya dito habang abala sa pagne-nail cutter sa kuko ng paa.

" Hindi ko din alam, hindi naman niya sinasabi ang dahilan kapag tinatanong ko siya. Siguro may gusto 'yon sa 'yo," napailing-iling na lang siya sa sinabi ni Jenny.

Siguro hindi naman gano'n 'yon. Baka may iba pang sasabihin.

Lumipas lang ng ilang minuto ay narinig nilang may kumatok sa kanilang pinto. Nagkakunotan sila ng noo ng kaniyang kaibigan dahil wala naman silang ine-expect na bisita ngayon.

Mga busy naman ang mga boyfriend nila ngayon dahil Linggo. May pinuntahan silang business trip na dalawa.

" Ikaw na titingin," sabi niya sa kaibigan habang ipinagpapatuloy pa rin ang ginagawa sa kuko ng paa.

Inirapan muna siya ni Jenny bago ito dahan-dahan na nagpunta sa pinto. Kailangan pa talagang dahan-dahanin ang paglalakad? Tapos kapag si Dominic ang nandiyan halos madapa na makarating lang sa pinto.

" B-Bes," kunot-noo na binalingan niya si Jenny dahil sa boses nito.

Halata ang pagkabalisa nito habang nakatingin sa kaniya. Nakabukas lang ng kaunti ang pinto habang nakahawak doon ang dalawang kamay.

" Bakit?" sinenyasan siya nito na lumapit doon kaya inilapag na muna niya ang linis ng kuko sa sofa.

Nang makarating siya sa tabi ng kaibigan ay pinanlakihan niya ito ng mata sinyales na nagtatanong siya kung ano 'yon.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon