𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12

348 20 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12💗

Simula sa araw na yun ay naging malapit na sila ni Jenny sa mga kaibigan ni Dominic. Ang kukulit kasi nila at masaya silang kasama kaya sinong tao ang hindi mapapalapit sa kanila kung ganung klaseng tao sila diba? 

May mga gabi na pumupunta sila Brandon sa restaurant para kumain. As usual kapag magkakasama ang mga magkakaibigan na yun ay maingay ang paligid. Kahit sinisita sila ni sir na huwag silang mag-ingay dahil nakakahiya sa mga customer pero patuloy pa rin sila sa pag-iingay.

" Ready na ba ang mga ingredients bes?" tanong niya kay Jenny habang nasa apartment sila. Ngayong araw na ang birthday ng kaniyang kaibigan. March 22, 2015.

" Ready na bes. Mag-umpisa na ba tayong magluto?" tanong sa kaniya ng kaibigan.

" Oo pupunta pa tayo sa mommy mo diba? Kaya umpisahan na natin."

Inihanda na nila ang ingredients ng pancit. Nagpakulo sila ng tubig para sa macaroni at spaghetti, isusunod nilang ipakulo ang para sa macaroni. Dahil nagbalot naman na sila ng shanghai kagabi at kaunting lumpia ay hindi na nila kailangang gumawa ngayon, iluluto na lang.

" Hindi mo na dadagdagan yung cake mo?" tanong niya kay Jenny habang naghihiwa ng ingredients para sa pancit. 

" Huwag na. Ayos na yun sa akin. Pupunta kaya si Dominic?

" Pupunta yun pero mamayang hapon pa may aasikasuhin daw ito." tumango-tango naman ang kaniyang kaibigan. " Hindi ka ba tine-text ng daddy mo?" mahinang tanong niya dito.

" Huwag na tayong umasa bes, hindi ko na nga yun iniisip eh. Magluto na lang tayo." halatang iniiwasan ng kaniyang kaibigan na pag-usapan ang ama nito.

Hindi na ang siya muling nagsalita pa, hinintay na lang niya na kumulo ang tubig para mailagay na niya ang macaroni at spaghetti. Inilagay niya muna sa malamig na tubig ang mga bihon para lumambot ito.

Nang kumulo na ang tubig ay nilagay na niya ang macaroni at spaghetti sa dalawang kaserola.

Lumipas ang apat na oras na iginugol nila sa kusina ng kanilang apart ay natapos din sila sa pagluluto

" Omg! Ang sarap ng macaroni bes!" tiling sabi ng kaniyang kaibigan na may kasama pang paghampas sa kaniya. Nilutuan na nga siya hahampasin pa siya.

" Kailangan talagang manghampas 'no?" tinawanan lang siya ng bruha.

" Arat na para makabalik din tayo dito kaagad." inilagay nila sa basket ang babaunin nila papunta sa sementeryo.

" Kukunin natin yung cake mo?"

" Yeah. Ikaw na bibitbit, ako na dito sa mga macaroni."tinanguan naman niya ang kaniyang kaibigan. Hindi naman nila kinuha lahat ng niluto nila.

Sabay silang lumabas ng kaniyang kaibigan bitbit ang kanilang mga niluto. Dahil may kalayuan ang kanilang pupuntahan ay pumara sila ng tricycle.

" Ikaw lang pupunta sa graduation mo?" tanong niya kay Jenny.

" Siguro? Kahit naman sabihin ko kay daddy hindi pa rin naman pupunta yun. Ilang graduation ko na ba ang nagdaan na hindi siya pumupunta? Ayos lang kahit walang pupunta nasanay na ako. Biruin mo naman yung mga graduation ko na walang pumunta kaya hindi na ako magtataka kung bakit sanay na ako.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon