𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29

278 17 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29💗

Bago sila umalis ay naisipang kuhanan siya ng larawan ni Alhiaz sa dagat habang may sunrise. Ewan niya pero na-e-excite siya habang sinasabi yun ng lalaki. Ang ganda ng view sa dagat habang may sunrise. 

Panay ang kaniyang post, panay din ang click ng camera button ang lalaki. Nang magsawa siyang mag-isa lang na nag-se-selfie ay niyaya niya si Alhiaz. Mabuti na lang may dumaan sa kanilang pwesto kaya kinausap niya ito kung pwede niya kaming kuhanan ng larawan.

Nakarami din sila ng picture na dalawa ni Alhiaz ng pumayag ang babaeng kinausap niya kanina. Nang matapos sila ay nagpasalamat sila sa babae na ang pangalan daw ay Trixie Ann. Hindi niya alam kung masisiyahan siya o mahihiya dahil sa sinabi ng dalaga na bagay daw sila ni Alhiaz. Natawa lang din ang lalaki ng marinig ang sinabi ng dalaga kaya nakitaw na lang din siya.

" Hindi ka ba nagugutom?" tanong sa kaniya ni Alhiaz habang naglalakad sila papunta sa helicopter.

" Hindi pa po. Ramdam ko pa yung pagkabusog ko kagabi tsaka kahapon. Tataba na yata ako kapag dito na ako lagi." natatawa na sabi niya dito.

" Okay lang naman kahit tumaba ka, maganda ka pa rin kapag ganun." kinilig naman siya ng kaunti sa sinabi ni Alhiaz.

" Talaga maganda pa din ako kahit tumaba ako?" naninigurong tanong niya 

" Yup! Kahit siguro mangulubot na yang mga balat mo." seryoso na sagot ng lalaki sa kaniya. Grabe naman sa mangulubot.

" Pinapatanda mo naman na ako eh." nakanguso na sabi niya dito. Rinig naman niya ang mahinang tawa ni Alhiaz.

" Cute mo." nangingiti na sabi ni Alhiaz sa kaniya. Namula naman ang kaniyang mukha. Kanina pa 'to ah. Masusuntok ko 'to.

Medyo tinatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang isa niyang kamay dahil baka makita ng lalaki ang pamumula ng kaniyang pisngi.

Inalalayan siya sa pag-akyat ng helicopter ng makarating sila doon. Ngayon niya lang napansin na may nakatatak na AG sa helicopter. Baka lahat na lang ng pag-aari ni sir may markang AG. 

" Wear that again." sabi sa kaniya ni Alhiaz bago inabot sa kaniya yung dating ginamit niya na headphone.

Inilagay nila sa likod ang mga bitbit nila kanina. Inilapag na lang niya sa kaniyang hita ang dala nilang pagkain baka bigla silang magutom mamaya.

" I'll lead the prayer so we can leave now." ng marinig niya ang sinabi ni sir ay mabilis siyang pumikit at pinagdikit ang dalawa niyang kamay.

Nakikinig lang siya sa dasal ni Alhiaz habang nakapikit. Nang matapos na ang pagdadasal nila ay iminulat na niya ang kaniyang mata. Nang sulyapan niya si Alhiaz ay nakatitig ito sa kaniya.

" Ingat sa flight, Alhiaz!" nakangiti nitong sabi sa lalaki, sinuklian naman nito ang kaniyang ngiti.

" Mag-iingat talaga ako, nakasalalay dito ang future ko eh." nangingiting sabi sa kaniya ni Alhiaz.

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng lalaki. Ibinaling niya ang tingin sa kanilang pinanggalingan. Ang lawak pala ng isla ni sir. May 20th floor pa na hotel nito. Iba yung mansyon ni Alhiaz sa rest house nito.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon