𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 30💗
Isang araw na ang lumipas mula nung makabalik sila galing sa Isla ni Alhiaz. Kaya ngayon nandito sila sa labas, ginigisa na siya ng mga tanong ng kaniyang kaibigan. All she need to do is answer all the question of Jenny.
Mabuti na lang hindi nila kasama si Brylle ngayon baka kung ano na naman ang tatanungin ng mokong na yun.
" Kayo na ba ni sir kaya dinala ka niya dun?" kanina pa tinatanong ng kaniyang kaibigan 'yan konti na lang talaga masasakal na niya 'to.
" Hindi nga kami. Ipinasyal niya lang ako doon kahit tanungin mo pa siya bukas." napapairap na lang siya habang sinasagot ang tanong ng kaibigan.
" Pasyal lang talaga? Sure na yan?" napahilot na lang siya sa kaniyang sentido sa kakulitan ni Jenny.
" Napakakulit mo. Babawiin ko yung mga pasalubong ko sayo kapag nangulit ka pa." pananakot niya dito na ikinatawa lang ng bruha.
" Bruhilda huwag mo akong matakot-takot sa ganiyan mo dahil hindi naman ikaw ang bumili ng mga 'yon, remember si sir Gab ang gumastos dun." kinurot niya ito dahil sa inis. "Aray! Bruhilda na 'to sapakin kita diyan eh." nakabusangot na sabi sa kaniya ng kaibigan.
" It's your own fault not me." inirapan siya ng kaibigan dahil sa kaniyang sinabi, abah! sasapakin ko 'to eh.
" Bili ka na nga lang ng damit mo diyan." sabi sa kaniya ng kaibigan. Nasa mall sila ngayon, hindi naman sa mga pang-sosyal na mall ang pinuntahan nila dahil tinanggihan niya ang kaniyang kaibigan kanina.
" Mag-go-grocery na ba tayo dito o sa labas na lang?" tanong niya sa kaibigan na namimili na din ng mga damit.
" Pwede na din dito, mura naman yung iba na pwedeng pang-abasto natin dito yung mga mahal bilhin na lang natin sa tindahan nila Aling Minda." si Aling Minda yung malapit lang sa kanilang inuupahan.
" Sige." sabi niya dito bago nagtingin-tingin ng pwede niyang bilhin na kaniyang damit. Ngayon na lang siya ulit makakabili ng damit niya.
" Bagay ba bes?" tanong sa kaniya ni Jenny habang nasa harap nito ang isang dress na kulay maroon.
" Lahat naman bagay sayo bes." nakangiti nitong sabi sa kaibigan.
" Loka-loka. Ano bagay ba?" napakamot na lang siya sa ulo.
" Oo nga. Gusto mo lang pinupuri eh." akmang kukurutin na naman niya ito pero mabilis na umalis sa tabi niya ang babae.
" Bes bagay sayo 'to." tinignan niya yung pinapakita ni Jenny na dress halos mapangiwi siya sa dress na hawak-hawak ng kaibigan.
" Mapapatay kitang bruha ka. Pagsusuotin mo ako ng ganiyan? Konting tuwad ko lang diyan kita na kaluluwa ko." nandidiri nitong sabi sa kaibigan. Pinagtatawanan lang siya ng bruha dahil sa kaniyang reaksyon. Pang-pokpok naman na 'yan na damit jusko.
" Ito naman nagbibiro lang naman ako. Baka multuhin pa ako nila tita at tito kapag pinasuot ko yan na damit sayo. I'm scared of a ghost remember." ayan mabuti na lang nandiyan sina mommy at daddy para naman matakot 'tong bruha na 'to.
BINABASA MO ANG
I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)
RomanceTWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niya ito? Maniniwala kaya siya na mahal talaga siya ng dalaga o pinagti-tripan lang siya nito? May mga...