CHAPTER 43

457 16 0
                                    

CHAPTER 43💗

Nagbibihis silang tatlo dahil papunta na sila sa bahay ng kaniyang kaibigan. Actually siya lang ang nagbibihis na mag-isa dahil binibihisan na ng kaniyang asawa ang anak nila.

Kanina pa nakabihis ang kaniyang asawa. Hindi na daw niya kailangang magbihis ng todo dahil baka daw awayin ko siya kapag nilapitan ito ng mga babae mamaya.

Hindi niya alam kung kikiligin siya doon o ano. Ayos lang naman sa kaniya na pumorma ito dahil alam naman niya na hindi magpapatangay sa agos ang kaniyang asawa. Mahal na mahal kaya siya nito. Si Cassidee lang talaga ang asungot noon sa kanilang love life.

Nakasuot siya ngayon ng dress black na hapit na hapit sa makurba niyang katawan. Mas lalong kumorba na ang katawan niya pagkatapos niyang ipanganak si Zander. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang katawan dahil tinulungan pa siya ng kaniyang asawa na mag-exercise palagi.

" Naks naman! Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko. Baka mamaya may biglang aagaw sa'yo sa akin ah," natatawa siya na yumakap sa kaniyang asawa.

" Hindi naman ako magpapa-agaw 'no. Ayaw ko ngang iwan ang asawa kong napaka-gwapo," kaya gustong-gusto niya na pinupuri ang asawa dahil nandiyan pa din ang pamumula ng mukha nito kapag pinupuri niya ito.

Gwapo naman na talaga ang asawa niya noon pa.

" Siyempre hindi naman ako papayag 'no. Ayaw ko ngang maging broken family ang anak natin. Ayaw kong maging kawawa siya paglaki nito. Kaya ikaw huwag na huwag kang susubok na iwan kami dahil kukunin kita ulit at itatali na kita sa akin palagi para hindi ka na makawala pa sa akin," sus nagpapakilig na naman ang lolo niyo.

" Bilisan mo na ngang bihisan ang anak natin, kung ano-ano na naman ang sinasabi mo eh," natatawa naman na ninakawan siya ng halik ang kaniyang asawa.

Naglagay naman siya ng damit ng kanilang anak sa maliit na bag. Lagi siyang nagdadala ng extra clothes ng kanilang anak kapag may pinupuntahan sila dahil minsan ay ang dungis-dungis nito kapag may kinakain at pawisan ito.

" Are you ready? I'm done here," nang tignan niya ang anak nila ay bihis na bihis na ito.

Mas maganda ba ang suot ngayon ng kanilang anak kaysa sa ama nito.

" Magpalit ka na ulit ng damit mo love," sabi niya dito pero umiling lang ang kaniyang asawa.

Naka-plain lang na damit ang kaniyang asawa at naka-pants ito. Naka-sneaker lang din ito. Maayos lang naman ang suot ng kaniyang asawa dahil ma-porma pa din ito.

" Ayos na ito bebe girl. Mas ayos na sa akin na kayo ay maganda ang suot kaysa sa akin, masaya na ako dun kaya huwag ka ng mag-alala sa suot ko dahil ayos lang 'to," mukhang hindi bilyonaryo ngayon ang itsura ng kaniyang asawa pero litaw pa din ang kakisigan nito at ang ka-gwapuhan nito.

" Sigurado kang ayos na 'yan ha. Ayos lang naman sa akin kahit pumorma ka eh. Hindi mo naman siguro kami iiwan ni baby kapag may nang-akit sa'yo," sinamaan siya ng tingin ni Alhiaz.

" Kaya nga ganito na lang ang ayos ko para hindi mo iniisip na iiwan ko kayo. Hayst! Huwag na nga natin pag-usapan ang porma-porma na 'yan," napipikon na naman ang lolo niyo dahil sa sinabi niya na iiwan niya kami ni Zander.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon