𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 04💗
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Naglinis siya sa kaniyang apartment, iniba niya kung saang pwesto ilalagay yung sofa. Naglaba din siya ng kaniyang mga damit na hindi naman ganun karumi. Isinampay niya ito sa terrace sa likod. Nilabhan niya din ang pillowcase at bed sheet niya, hindi pa naman yun mabaho pero gusto niya lang labhan.
Umabot siya sa tanghali sa kaniyang ginagawa, pati ata makita niya na alikabok ay tinatanggal niya parang nag-general cleaning siya. Tumawag kanina ang kaniyang kaibigan na mamaya pa siya pupunta dito, nandoon daw ang kaniyang daddy at asawa nito kaya sinubukan niyang nagpaalam na pupunta sa akin mabuti na lang daw at nasa mood ang mga dragon.
Hindi na siya nakakain kanina ng agahan nagmeryenda na lang siya ng tinapay na binili niya nung nakaraan at juice.
Oo nga pala ite-text niya pa si Dominic na wala silang pupuntahan ngayon dito lang sila sa apartment, same routine lang naman ang gagawin nila manood, chikahan, o kumain.
[ Heyy babs, good afternoon. Ahm wala kaming pupuntahan ngayon. ] text niya dito, hindi niya alam kung anong trip ng mokong na yun.
Hindi niya alam kung mababasa niya yun kaagad, baka nasa mga babae na naman niya yun ngayon pero nagulat siya nung tumunog ang notification ng kaniyang cellphone hudyat na may nagpadala sa kaniya ng mensahe.
[ Pwede ko kayo sunduin? Labas tayo, libre ko. ] hmmm pwede naman kung papayag ang kaibigan niya libre pa naman yun.
[ Ahm tatanungin ko muna si Jenny kung gusto niya. ] reply niya. Siya ang may ayaw na mapalapit si Jenny kay Babs pero hindi naman yun magugustuhan ng kaibigan niya, sana.
[ Sige, text mo ako kaagad ha para mapuntahan ko kayo agad. Nasa labas pa ako kasama mga barkada. ] ohhh? barkada talaga ha.
[ Sige babs. ] sabi niya dito.
[ Bakit babs? Akala ko kanina na-typo ka lang, pagkabasa ko babe. ] gsgo? typo agad.
[ HAHAHAHA funny, babaero yan pinaikli ko lang sa babs. Huwag kang assumin baka masapak kita. ] feeling niya pinagtatawanan na naman siya ng lalaki na yun dahil sa pang-aasar niya pati ba naman dito sa text.
[ Ito naman pikon agad eh. Grabe ka na talaga sa kakatawag sa akin ng babaero, friendly lang sa babae eh. You always hurts my feelings babe :( ] sarap talaga saksakin sa leeg si Dominic.
[ Bahala ka diyan hindi ko tatanungin si Jenny. ] mabilis na nagreply sa kaniya si Dominic na ikinatawa niya.
[ Hoyyy sorry na, nagbibiro lang eh ang seryoso mo naman pren. Sorry na, sige na tanungin mo na para gora na tayo. ] natatawa't napapailing na lang siya kay Dominic.
Hindi na niya rineplyan ang text ni Dominic kundi tinawagan na lang niya ang kaniyang kaibigan. Hinintay pa ata ng kaibigan niya na limang beses mag-ring bago sagutin ang tawag.
[ Ohh? ] tanong kaagad sa kaniya ni Jenny, tinatamad pa atang sumagot ng tawag.
[ Labas tayo, may manlilibre sa atin. ] sabi niya dito sa excited na boses.
[ Sino naman at bakit parang excited ka? ] nagtatakang tanong sa kaniya ng kaibigan kaya napatawa siya.
[ Gsgo bruha libre yun, sige na labas tayo susunduin niya tayo. Magbihis ka na dali. ]
BINABASA MO ANG
I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)
RomanceTWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niya ito? Maniniwala kaya siya na mahal talaga siya ng dalaga o pinagti-tripan lang siya nito? May mga...