𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 28💗
Ginising siya ng maaga ni sir kinabukasan. Kahit inaantok pa siya dahil late na sila na natulog kagabi dahil sa pagpunta ng restaurant ay pinilit niyang bumangon.
Mag-a-alas-onse na yata ng makabalik sila sa bahay ni sir. Pagkatapos kasi nilang kumain sa restaurant ay dinala siya ni sir sa isang lugar na may mga dancing fountain. Ang saya-saya niya kagabi. Vinideo niya ang mga dancing fountain na yun para may ma-ipakita siya kay Jenny. Iinggitin niya yun pag-uwi niya.
" We will eat breakfast first bago kita dalhin sa pupuntahan natin. Maliligo ka pa ba? Marami tayong gagawing activity mamaya." mukhang na-excite siya sa nalaman niya sa kaniyang boss.
" Pupunta din ba tayo sa gitna ng dagat sir? Maliligo?" masaya siya habang tinatanong ito. Hindi pa siya nakakaligo sa dagat sa tanang buhay niya kaya gusto niyang maranasan yun ngayon habang nandito sila sa isla ni sir.
" You want to swim there?" mabilis pa sa alas-kuwatro na tumango-tango siya sa tanong ni sir.
" But I have a problem sir." may naalala siya.
" What is that?" kunot-noo na tanong sa kaniya nito.
" Wala po akong susuotin pang-swim." mas lalong kumunot ang noo ni sir sa kaniyang sinabi.
" Why? You don't have a damit na ba?" conyo na tanong nito sa kaniya.
" Meron ho. Yung mga binili niyo."
" Meron naman pala. Bakit sinasabi mo na wala kang isusuot?"
" Swimsuit po yung sinasabi ko sir."
" Use your t-shirt and wear short na lang if you want to swim. Don't use that kind of clothes it's to much revealing." I don't know why because sir is serious while saying this to her.
" Sir naman eh. Ngayon nga lang ako makakaligo sa dagat tapos short tsaka t-shirt pa susuotin ko?" mabuti sana kung may pera siyang dala na pambili ng swimsuit.
" Makakaligo ka pa din naman kahit ganun ang suot mo. Why do you need to wear that kind of clothes? May makakakita sayo na mga lalaki. Gusto mo bang pagpiyestahan nila ang katawan mo?" napaisip naman siya. Sanay siya sa pagsuot ng ganun na damit pero ayaw naman niya na may lalaking pagnanasaan ang katawan niya. Baka multuhin pa ako nila mommy at daddy kapag may nangbastos sa akin.
" Ayaw ko po." she bite her lips while saying this to her boss.
" Oh ayun naman pala eh. Kung maaari nga na mag-pants ka na lang habang naliligo sa dagat pero baka hindi mo masyadong maigalaw-galaw yung paa mo habang lumalangoy dahilan para malunod ka kaya mag-short ka na lang habang nakasuot ng malaking t-shirt."
Kaya ang bagsak niya na isusuot mamaya ay yung t-shirt at short.
" Tara na para mag-agahan. Aalis tayo mamayang 7:00. Nagluto na lang ako ng agahan natin sana magustuhan mo." parang nahihiya pa si sir sa sinabing siya ang nagluto ng agahan nila.
" Siyempre naman sir magugustuhan ko yun luto niyo eh." napangiti si sir sa kaniyang sinabi. Nginitian naman niya ito.
" Let's go." hinila na siya palabas ng kwarto si sir diretso silang kusina ng bahay Hindi pa siya nakakamumog at hilamos eh. " Upo ka lang diyan kukuha lang akong plato." tinanguan na lang niya si sir.
Si sir din ang naglagay ng sinangag at tsaka ulam sa kaniyang plato. Hinayaan na lang niyang gawin iyon ni sir dahil mukha namang masaya ito habang naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato.
BINABASA MO ANG
I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)
RomanceTWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niya ito? Maniniwala kaya siya na mahal talaga siya ng dalaga o pinagti-tripan lang siya nito? May mga...