𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10

410 22 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10💗

Kinabukasan ay maaga silang nagising ni Jenny. Si Jenny lang pala ang maagang gumising, ginising lang siya nito para magpaturo ng pagluluto. Seriously? Ang aga-aga gigisingin ka lang para magpaturo? 

" Anong gusto mong matutunan na lutuin? Wala naman tayong masyadong stock dito na pagkain. Noodles, Pancit Canton, Egg, Delata at Gulay lang naman ang nandito. Hindi ka talaga marunong magluto kahit itlog lang?" natatawang umiling ang kaniyang kaibigan sa huli niyang tanong.

" Paano na yan kapag nag-asawa ka na lang bigla? Anong ipapakain mo sa mga magiging anak mo tsaka sa asawa mo? Kakain na lang kayo sa labas ganon?" napanguso sa kaniya si Jenny.

" Kaya nga ako nagpapaturo eh. Tsaka hindi pa naman ako mag-aasawa. Kapag dumating yung araw na mag-aasawa na ako ay marunong na ako sa pagluluto." napabuntong hininga na lang siya.

" Sa gawaing bahay hindi ka pa marunong. Kapag talaga may time ako ituturo ko sayo lahat dapat matutunan mo na ang mga yan habang maaga pa. Sa pancit canton at delata na lang muna ang itutuo ko sayo, yan lang naman kakainin natin na breakfast. Madali lang yan." naglabas siya ng dalawang pancit canton at isang corn beef.

Itinuro niya kung anong gagawin sa pancit canton. Pinalagyan niya ng saktong tubig ang kaserola tapos ipinasalang niya ito sa lutuan. Sunod niyang itinuro kung paano buksan ang corn beef gamit ang kutsilyo at pagkatapos ay itinuro niya kung paano ito lulutuin sa palayok.

Natapos sila sa ginawa pagkatapos ng ilang minuto. Hindi naman ganun kahirap na turuan si Jenny. Fast learner eh.

" Ano alam mo na kung paano lutuin ang pancit canton at corn beef?" nakangiting tumango sa kaniya si Jenny.

" Madali lang naman pala. Pareho lang yung noodles tsaka pancit canton diba pero hindi lang tatanggalin yung tubig ng noodles. Tama ako?" tinanguan naman niya ito na ikinalawak ng ngiti ng kaniyang kaibigan.

" Sa mahihirap na lutuin ang susunod kong ituturo sayo. Bibili tayo kapag ibinigay na yung sweldo nating dalawa." nag-thumbs up naman sa kaniya si Jenny. 

Inilapag na nila sa round table ang kanilang niluto at nag-umpisang kumain.

" Maglalakad tayo papasok?" tanong sa kaniya ni Jenny.

" Ikaw? Gusto mo bang maglakad o Tricycle?" tanong naman niya dito na hindi sinagot ang tanong ng kaniyang kaibigan.

" Maglakad nalang umaga naman. Exercise na din yun. Whole day ba tayo ngayon?" tumango siya sa tanong nito. " Whole day na naman." naiinis na sabi ni Jenny na ikinatawa niya.

" Sabihin mo sa principal na halfday na lang ang pasok. Sabihin mo na may pupuntahan ka kaya dapat na halfday lang ang klase." natawa sila ng sabay ng kaniyang kaibigan.

" Gsga baka hindi na ako papasukin forever sa school kapag ginawa ko yun. Ikaw na lang ang magsabi tutal ikaw naman ang nag-suggest." napapailing at natatawa na lang siya sa kaibigan.

Ipinagpatuloy na lang nila ang pagkain. Si Jenny naman ang naghugas ng kanilang pinagkainan, siya naman ay nagtungong kwarto para maligo. Dinalian niya ang pagligo dahil kumakatok ang kaniyang kaibigan at sinasabing bilisan niya dahil malapit na daw ang kanilang pasok.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon