𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 23

300 18 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 23💗

Gumaling din si Brylle makalipas ang dalawang araw. Dinala tita ito sqa hospital dahil hindi pa din gumagaling. Dahil pala sa kinain nito kaya siya nagkasakit. Nagsimula daw ito sa LBM dahil first time niya daw maranasan ang ganun.

May isip naman ang mokong pero hindi nito naisipan na pumunta sa clinic sa school para sana humingi ng gamot para sa LBM. Pumunta pa nga sina tita sa cafeteria para pagsabihan ang mga tagaluto doon.

" Oh tignan mo na kasi yang mga kinakain mo." sermon ni Jenny sa binata.

" Oo na po mama." natawa siya ng binatukan ni Jenny ito.

" Puro ka kasi kalokohan kaya ganiyan ang nangyari sayo."

" Buhay pa naman ako kaya ayos lang yan. Tsaka mo na ako sermonan ng todo kapag sinundo na ako ni San Pedro."

" Bahala ka na nga sa buhay mo sana ngayon ka na sunduin. Nakakainis kang bakla ka."

" Huwag ka ng mainis mama."

Natatawa na lang siya sa mga kalokohan ni Brylle. Mas lalo lang atang nadagdagan ang pagiging maloko niya pagkatapos nitong magkasakit. Akala mo naman hindi umiyak ng malaman na dahil sa kinain niya ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

" Kumain ka na nga lang Bry. Mamaya tatanggalan ka ng hininga niyan." sabi niya dito.

" Kakain na nga po. Palagi niyo na lang akong sinesermonan, pangalawa ko ba kayong magulang?"

" Hayst! Ewan ko sayo Bry." napapailing na sabi niya dito.

" Oo nga pala nasabi ko na kay mommy yung gusto niyong pagpunta sa resort."

" Anong sabi?

" Sayang-saya ang matanda." tumatawang sabi nito. " Kahit daw mag-stay kayo dun hanggang matapos ang bakasyon. Doon daw kayo sa rest house namin na mag-stay huwag sa hotel namin."

" Kami lang ba ni Shannara ang nandun kung sakali?"

" No. Kasama niyo ako tapos yung mga kasambahay. Magbabakasyon din siguro yung mga kaibigan ko doon pero sa hotel sila mamalagi. Bawal silang tumira sa rest house dahil nandoon kayo."

" Wala namang masama doon kapag dun din sila diba?" umiling naman si Brylle habang nakakunot ang noo.

" Hindi sila pwede doon. Babae kayo mga lalaki sila. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila pero okay na yung naninigurado. May pagka-maloko pa naman yung iba kong kaibigan."

" Wala ka bang kaibigan na babae maliban sa amin ni Jenny?" umiling naman ang binata.

" Hindi ako komportable na makipagkaibigan sa mga babae pero sa inyo komportable ako kaya kayong dalawa lang ang kaibigan ko na babae. Swerte niyo naman may pogi kayong kaibigan." sabay naman sila ni Jenny na nagkunwaring nasusuka.

" Ang hangin mo talaga. Hindi ka naman pogi, mas pogi pa sayo si Jungkook.

" At least ako nakikita mo araw-araw. Eh si Jungkook ba na yan nakikita mo? Baka nga hindi talaga gwapo yan sa personal, mas gwapo pa siguro ako diyan."

" Naiinggit ka lang kasi walang nag-a-admire sayo."

Magtatalo na naman ang mga 'to jusko. Kung ano-ano na lang pinagtatalunan ng dalawang 'to. Ka-stress.

" Aanhin ko naman yung mga ganiyan? Hinihintay ko yung mag-a-admire sa akin habang buhay. Kahit tumanda na ako, mangulubot na mga balat ko, pumuti man ang mga buhok ko, hindi man na ako makatayo ng mabuti ay nandiyan pa din siya. Hindi niya ibabaling sa iba yung paghanga niya. In short, yung mapapangasawa ko lang ang gusto kong mag-admire sa akin." seryosong sabi ng binata.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon