𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 06

443 21 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 06💗

Kinabukasan ay nakatanggap siya ng mensahe na hindi makakapasok si Jenny dahil bigla daw itong nagka-lagnat kaninang madaling araw. Nakatanggap din siya ng text galing kay Dominic na hindi muna ito papasok ng isang linggo sa Restaurant dahil may pupuntahan.

Hayst! Ano bang nangyayari sa dalawang yun. Mag-isa tuloy ako na papasok at walang kakulitan. Maaga pa naman kaya naisipan niyang tawagan si Jenny para kamustahin ito. Mabuti na lang at online ito ngayon.

[ Hoyyy! Kamusta pakiramdam mo? ] tanong nito kaagad pagkasagot niya ng tawag. Nakahiga pa ito na nakabalot ng makapal na kumot.

[ Gsga bes nahihilo ako tsaka ang taas ng lagnat ko. Kung minamalas nga naman. ] natawa siya sa huli nitong sabi.

[ Ano bang ginawa mo bakit nagka-ganiyan ka? Nakainom ka na ba ng gamot mo? Kaya mo bang tumayo? Gusto mo puntahan kita diyan sa inyo? ] sunod-sunod nitong tanong. 

[ Wala naman kaya hindi ko alam kung bakit nagka-lagnat ako. Hindi pa ako uminom ng gamot mamaya pang 7:30. Pinipilit ko lang na tumayo wala namang tutulong sa akin dito, wala naman silang pakialam sa nararamdaman ko. Gusto mo bang lumiban sa klase? ] napatango kaagad siya sa huli nitong sinabi.

[ Ano ba yan hindi man lang nila ikaw alagaan sabagay wala na doong bago. Hintayin mo ako diyan ha? Pupuntahan kita, ako na ang mag-aalaga sayo. Mag-excuse na lang ako sa teacher natin, icha-chat ko siya. ] napailing-iling naman ang kaniyang kaibigan kaya pinandilatan niya ito.

[ Huwag ka na kayang pumunta dito bes? Sayang naman yung hindi mo matutunan ngayon na lesson natin. Kaya ko naman ang sarili ko. ]

[ Gsga may classmate naman tayo na pwedeng pagtanungan kung ano ang maituturo ngayon. Hindi ako makakapayag na nag-iisa ka lang diyan na mag-aasikaso sa katawan mo. Paano kapag natumba ka tapos nabagok 'yang ulo mo? Sino ang magtatakbo sa hospital eh wala namang pakialam ang mga tao diyan sa bahay niyo. Kahit anong sabihin mo pupuntahan kita diyan, huwag ka ng kumontra diyan baka tatahiin ko 'yang pempem mo diyan. ] pinagtatawanan pa siya, concern lang naman siya.

[ Ikaw talaga, oo na punta ka na. Tawagan mo ako kapag nasa gate ka na ha para mapagbuksan kita. Hindi ka din naman papansinin yung mga yun. Ingat ka papunta dito. I Love You! ]

[ Huwag ka munang tayo nang tayo diyan na bruha ka. Hintayin mo lang ako, okay? I Love You! Aalagaan kita hanggang sa mawala ang lagnat mo. ] nginitian naman siya nito. Siya na ang pumatay sa tawag, dahil hindi pa naman siya nakakabihis ay kumuha na lang siya ng pamalit niya mamaya sa bahay nila Jenny.

Nagmamadali siyang lumabas. Bakit ba kasi biglang nagka-sakit yung bruha na yun. Hindi na naman niya inalagaan ng mabuti ang kaniyang sarili. Nang makakita siya ng tricycle ay kaagad niya itong pinara, kaagad niyang sinabi ang location ng bahay ng kaniyang kaibigan.

Sanay na siya sa ganito na siya ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kaibigan niya kapag nagkakasakit ito. Hindi niya alam kung anong utak ang mayroon sa daddy ni Jenny dahil hindi mo man lang makitaan ng pag-aalala, pati pagmamahal wala kang makikita dito.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon