𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 08

410 22 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 08💗

Hindi na siya bumalik sa trabaho sa araw na yun. Kailangan niyang bantayan si Jenny. Kailangan niya muna itong alagaan. Kailangan niyang libangin ito para mawala yung trauma niya sa ginawa sa kaniya ng daddy nito.

Siya ang gumamot sa mga pasa na natamo ng kaniyang kaibigan. Habang pinapahidan niya ito ng gamot ay nakikisabay na mahulog ang kaniyang mga luha. Kasi okay lang sa kaniya na pinapagalitan siya ni Tito Ronald pero yung pagbuhatan siya ng kamay ay hindi yun okay sa kaniya.

Gusto niyang magsumbong sa mga pulis. Kinuhanan niya ng larawan ang mga pasa ni Jenny para kapag nagbago ang isip ng kaniyang kaibigan na gusto niyong magsumbong ay may ipapakita silang ebidensiya.

" Anong gusto mong kainin bes? Ako na lang ang bibili o sasama ka?" tanong niya sa kaibigan niyang nakaupo sa bench malapit sa kanilang room. Breaktime nila ngayon.  

" Sama na lang ako." sagot sa kaniya ito. Kinuha naman niya ang kamay nito para hilahin patayo.

Dumiretso sila sa cafeteria na dalawa. Madami silang nakakasalubong. Madami silang kasama na pumipila. Hindi sila dito kumakain kapag breaktime nila, mas gugustuhin na lang nilang dalawa na kumain sa kanilang classroom habang nagchi-chikahan. Maingay masyado sa cafeteria kapag doon sila.

Bumili sila ng tag-isa nilang Sphagetti, Hamburger at Softdrinks. Bumalik sila kaagad sa classroom nila.

" Bakit kaya gustong-gusto nilang kumain sa cafeteria 'no? Siguro nagpapapansin sila sa mga crush nila." mahina naman siyang natawa sa sinabi ni Jenny pagkaupo nila.

" Naiinggit ka lang kasi wala dito yung mga crush mo. Naku! Kapag nandito nag-aaral yung mga K-Pop Idols mo baka hindi ka na papasok dito sa room natin. Baka tumambay ka na lang sa labas ng room nila." napapangiti naman sa kaniya si Jenny sa kaniyang sinabi. 

" Aba'y oo naman. Kahit hindi na ako mag-aral basta nasisilayan ko lang sila. Magpapapansin talaga ako all the time sa kanila." tinampal niya ito sa kaniyang noo. " Aray!" sabi sa kaniya ni Jenny habang hinihimas ang kaniyang noo.

" Para magising ka. Hindi mangyayari yang iniisip mo. Sa kapwa mo Pilipino ka din babagsak, iiyak ka na lang kapag nalaman mong may mga kaniya-kaniya ng girlfriend ang mga yun." natatawa nitong sabi, sinimangutan naman siya nito bago nagsimulang kumain. Ganun din ang kaniyang ginawa.

" Don't you plan to have a relationship?" napalingon siya sa tanong ni Jenny.

" Wala. Ayaw ko pa." sabi naman niya dito bago ipinagpatuloy ang pagkain ng sphagetti.

" Paano kapag pinadala na ngayon ni Kupido yung lalaki na para sayo? Aayawan mo ba?"

" Aayawan ko siyempre. Hindi ko naman malalaman na siya na pala yung pinadala ni Kupido kaya wala na akong kasalanan dun. Kung kami naman talaga eh di pagtagpuin ulit kami ni Kupido balang araw. Ayaw ko pang makipag-relasyon sa ngayon." makakapaghintay naman yan. Ang gusto ko muna ay matupad ang mga pangarap ko.

" Okay. Tatawanan talaga kita kapag isang araw may ipapakilala ka na sa akin na boyfriend mo pero okay lang yun basta huwag mong kakalimutan na kunin akong ninang ng anak niyo." kinurot niya ito dahil sa lumalabas sa kaniyang bibig.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon