CHAPTER 42

370 19 2
                                    

CHAPTER 42💗

Ang sarap magkaroon ng sarili mong pamilya. 

Ang sarap magkaroon ng masayang pamilya.

Ang sarap kapag kasa-kasama mo ang iyong pamilya.

Ang sarap kapag nakikita mo araw-araw ang iyong pamilya.

Iyan ang nararamdaman niya habang hawak-hawak ang kamay ng kaniyang asawa at nakatutok ang kaniyang tingin sa bata na buhat-buhat ng kaniyang asawa.

Ito lang ang pangarap niya noon. Ang magkaroon ng sariling pamilya na masaya at buo. Hindi niya akalain na si Alhiaz lang pala ang magbibigay ng ganito sa kaniya. Ang lalaking una niyang minahal pala ang magbibigay sa kaniya ng buong pamilya na hinangad-hangad niya lang noon.

" Nagugutom ka na?" umiling naman siya sa tanong ni Alhiaz.

Katatapos lang nilang kumain kanina bago sila nagpasyang maglalakad dito sa mall ng asawa niya. Mamaya pa sila bibili ng birthday gift niya sa kaibigan niya. 

" Tara may pupuntahan tayo," nagpaakay naman siya sa lalaki.

Tahimik lang naman ang anak nila habang hawak-hawak ang maliit na laruan na nakabitin sa kamay nito. Panay din ang tingin nito sa paligid na akala mo ngayon lang siya nailabas.

Napatingin naman siya sa kaniyang asawa ng ibaba nito ang kanilan anak habang inaalalayan ito sa paglakad. Gustong-gusto ni Alhiaz na ginagawa 'yan sa kanilang anak para daw mabilis matuto sa paglalakad. Kailangan lang talaga ng alalay ni Zander para makalakad.

Siyang-siya ang mag-ama habang naglalakad sila papunta sa may palaruan. Napapangiti na lang siya sa itsura ng kaniyang mag-ama na nagtatawanan. Hindi pinapansin ng kaniyang asawa ang mga taong nakatingin sa kanila dahil nasa anak lang nito ang atensiyon.

Dahil siguro napansin na ni Alhiaz na pagod na ang anak ay binuhat na nito. Mabilis naman siya na tumabi sa dalawa para punasan ang nagsilabasan na pawis nila. Kahit malamig ay pinagpapawisan pa din sila.

" Ang gwapo niyo pa din kahit pinagpapawisan na kayo," proud naman na nginitian siya ni Alhiaz sa kaniyag sinabi.

" Si Brandon yata 'yon oh," turo niya sa lalaking may hawak din na bata. Babae ang anak nito mas matanda lang si Zander ng isang taon.

" Ano naman ang ginagawa ng mokong na 'yan dito, akala ko nasa Paris sila," akala niya rin nasa ibang banda 'yan.

Agad naman sila na nakita ni Brandon kaya mabilis sila nito na nilapitan habang ngiting-ngiti ng malapad.

" Oyyy pre kumusta, long time no see ah. Naks naging macho na," binatukan ng kaniyang asawa ang kaibigan nito.

Hindi pa din talaga nagbabago. Mapang-asar pa din kahit kailan. Ang tibay din ng kanilang pagkakaibigan dahil buo pa din sila kaso nasa ibang lugar at ibang bansa lang ang iba nilang kaibigan.

" Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nagsabi," natawa naman si Brandon.

" Asus na miss mo lang ako, na miss mo ako 'no? Aminin mo na pre, na miss naman kita," akmang hahalikan ni Brandon ang pisngi ni Alhiaz ngunit mabilis na naitulak ng kaniyang asawa ang ulo ng kaibigan.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon