𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26

320 19 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26💗

Kinaumagahan ay ginising siya ng kaniyang kaibigan. Kung wala ang kaniyang kaibigan dito baka late na siyang papasok sa school. Napasarap pala ang kaniyang tulog.

" Hindi porket suot-suot mo yang jacket ni sir na natulog ay sasarapan mo na ang pagtulog." pang-aasar sa kaniya ng bruha.

" Hindi naman ganun yun, bruha na 'to kung ano-ano ang iniisip." 

" Maligo ka na dun baka sakaling mahimasmasan yang kilig mo. At talagang hindi mo pa talaga tatanggalin yang jacket ni sir na suot mo ah. Feel na feel ba bes?" akmang babatuhin niya ng unan ito pero dali-daling lumabas sa kwarto ang babae.

Ang lakas ng trip ng bruha. Ang aga-aga jusko!

Tinanggal na niya ang suot na jacket at kinuha ang tuwalya niya bago pumasok sa banyo para maligo.

Mabilis niyang tinapos ang kaniyang pagligo. Nakakahiya naman sa naghihintay sa kaniya. Ipinulupot niya sa katawan ang tuwalya bago siya lumabas ng banyo.

Kaagad siyang nagtungo sa kaniyang closet at kinuha doon ang naka-hanger na uniform. Bakit kasi ganun pa ang kanilang uniform. 

" Tapos ka na?"

" Yeah. Kumain ka na ba ng agahan?"

" Hindi pa bruhilda hinihintay kita. Ang sarap naman kasi ng tulog mo, siguro napanaginipan mo si sir kaya halos ayaw mo ng magmulat ng mata."

" Hayan ka na naman bruha eh. Sabi na ngang hindi siya ang dahilan. Tadyakan kita diyan."

" Grabe ka na ha nananadyak ka na. Tara na kain na us, malapit na klase gaga.

Natatawa na sumunod siya palabas ng kwarto. 

" Anong niluto mo?" tanong niya sa kaibigan habang naglalakad sila papasok sa kusina.

" Hot dog tsaka itlog. Nagluto din ako ng kaunting kanin kasi wala naman tayong kanin kahapon na pwede kong isangag ngayon."

" Anong oras ka gumising?

" Alas-singko."

" Bakit ang aga mo?"

" Tumawag kasi si Dominic na nandiyan siya sa labas.

" Anong pakay niya bakit siya nandiyan? Ang aga-aga nambubulabog.

" May ibinigay lang. Iyan oh." tinignan niya ang tinuturo niya sa lamesa.

" Flower at Chocolate ng ganito kaaga? Hindi man lang hintayin na magtanghali." natawa sa kaniya si Jenny. Pinanghila siya nito ng upuan.

" May pupuntahan daw ito kaya maagang pumunta dito. Next week na daw ang balik."

" Baka pupunta yun sa kabit niya." tinignan siya ng masama ng kaibigan kaya binigyan niya ito ng napakalawak na ngiti.

" Gaga for business yung pupuntahan niya. Ang sarap mo naman na kalbuhin bruhilda ka."

" Ikain mo na lang yan bruha, ikaw den baka totoo yung sinabi ko." sarap naman inisin ang bruha. 

" Hmmmp, bahala ka na nga diyan." nakabusangot na naglagay ng pagkain si Jenny sa plato nito.

" Bawal ang nakabusangot na kumakain." nasisiyahang sabi niya dito na mas lalong ikinabusangot ng bruha.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon