𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 20

354 22 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 20💗

Nandito ngayon si Brylle sa restaurant. It's Thursday today. Sabi nito na ipagpapaalam na daw sila agad. Nagtaka na lang sila na papasok sa pintuan ang binata. Nang makita sila nito ay dumiretso kaagad ito sa kanilang pwesto.

" Pagod na ba kayo?" tanong nito ng makalapit sa kanila.

" Hindi pa. Kakasimula lang namin eh." tumango-tango naman ang lalaki.

" Kumain ba kayo bago magtrabaho?" umiling naman sila na dalawa. " Bakit hindi kayo muna kumain bago sasabak sa trabaho?"

" May oras naman kami para kumain." sagot ni Jenny dito.

" Akyat ka na lang sa taas nandun na si sir. Magtatrabaho na kami baka sitahin kami ni manager."

" Sabay din tayong kakain mamaya ha?" tumango na lang sila ni Jenny.

" Mamayang 9 yung breaktime namin. I-te-text na lang kita." sabi niya dito.

" Sige. Galingan niyong magtrabaho, mag-iingat din kayo. Bye, see you two later!" pagkasabi niya yun ay tinalikuran na silang dalawa.

" Ang advance niya talaga palagi." natatawang sabi ni Jenny sa kaniya nung hindi na nila makita si Brylle.

" Hilig niya sa advance siguro nung gustong magbuntis ni tita ay advance din." napatawa sila ng mahina ng kaibigan.

" Loko. Iparinig mo yan kay tita tignan natin kung papaapakin ka pa sa bahay nila."

" Malay mo totoo diba? Sa ganda naman ni tita baka ganun nga ang ginawa nila.

" Gaga bahala ka na nga diyan. Punta na ako dun sa kabila."

" Sige sige. Ingat ka diyan baka makabasag ka."

" You too. Chika us na lang mamaya."

Tumango na lang siya dito. Tinalikuran na din siya ng bruha. As usual, there are plenty of customers again. Mapa-umaga man o gabi ay ang daming nagpupunta dito. Siguro dahil sa kasikatan o dahil sa masasarap ang mga pagkain dito.

Iginugol na lang niya ang kaniyang oras sa pagtatrabaho. 

Paano kaya kapag nalaman ni sir na may gusto ako sa kaniya? Ano kaya ang magiging reaksyon nito, magagalit kaya o masisiyahan? Siguro kung sakaling malaman ni sir na gusto ko siya tapos magagalit ito, lalayo ako dito. 

Bakit kasi magkakagusto ang isang employee sa kaniyang employer diba? Sinweswelduhan ka lang niya at wala siyang sinabi na mahulog ka sa kaniya.

Jusko! Sumasagi na naman si sir sa isip ko. Sana lang talaga hindi niya malalaman na gusto ko siya pero ayos lang naman kung malaman niya talaga. Huwag lang siyang magalit.

Time passed until the time of their break. Kaagad silang nagpunta ni Jenny sa locker room.

" Uyy i-te-text mo pa si Brylle. Naghihintay yun."

Oo nga pala, nandito pala ang mokong na yun. Kinuha na niya ang kaniyang cellphone sa locker niya. Imbes na padalhan ng mensahe ay tinawagan na lang niya ito. Kaagad naman na sinagot ng binata.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon