𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 05

491 23 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 05💗

Itinuro na lang nila kay Dominic kung saang turo-turo sila kakain. Mabuti na lang may na-parking'an ang sasakyan nito.

" Ay oo nga pala, buti pinayagan ka ng mga kaibigan mo kanina?" tanong niya kay Dominic habang kumakain ito.

" Ayos lang naman sa kaniya, palagi ko naman silang nakakasama kapag may gimik'an." sabi naman niya dito. Bumaling ito kay Jenny na nagsusubo ng kanin. " Ikaw?" napaangat naman ng tingin si Jenny na ngumunguya.

" Huh? A-ako?" tanong niya dito habang may kaunting nginunguya pa ito.

" Mmmm, mabuti pinayagan ka ng Daddy mo?" napayuko naman ang kaniyang kaibigan sa tanong ni Dominic.

" Ahm....nagpaalam ako." sabi nito habang nilalagyan ng kanin at ulam ang kaniyang kutsara.

" Pinagalitan ka ba?"  napailing naman si Jenny bago sumubo.

" Mabuti kung ganon." natahimik ang paligid pagkatapos sabihin ni Dominic yun.

Panay ang subo nila ng kanin at ulam hanggang maubos ang pagkain nila. Wala pa ding nagsasalita sa kanilang tatlo kaya binasag na niya ito.

" Uwi na tayo?" tanong niya sa dalawa.

" Uwi na tayo bes baka hinahanap na ako nila daddy, bawal daw akong gabihin eh. Pasensya na." gustong-gusto niya talaga na sakalin ang daddy ni Jenny minsan.

" Okay lang yun bes ano ka ba. Tayo na din." una siyang tumayo sumunod naman ang dalawa. Pumunta si Dominic sa taga-singil ng bayad para ibigay ang pera, nang makabayad na siya ay pumunta ulit sa pwesto nila ni Jenny ito.

" Tara." yaya nito bago naglakad. Sumunod naman silang dalawa.

Pagkasakay nila sa sasakyan ay nagsalita si Dominic. " Hatid na kita sa bahay niyo Jen, gusto mo?" liningon naman niya ang kaniyang kaibigan, nasa tabi na niya ito nakapwesto.

" Ahm mag-tricycle na lang ako." sabi ng kaniyang kaibigan.

" Hatid na kita kahit hindi aabot sa bahay niyo, kahit dun lang sa malapit sa bahay niyo. Hindi naman tayo makikita ng Daddy mo kung yun ang kinakatakot mo." naks ah may pahatid-hatid ng nalalaman.

" Ahm....s-sige." pa-kunwari pa 'tong bruha na ito magpapahatid din naman. Sure ako kinikilig na naman yang Dominic na yan.

Saka lang pinaandar ni Dominic ang sasakyan nung pumayag na si Jenny para ihatid ito, don't tell me hindi pa niya papausadin ang sasakyan kapag hindi pumapayag ang kaniyang kaibigan? Grabe ha, delikado na.

Hindi niya alam kung napagod ba siya dahil nakatulog siya na nakasandal sa balikat ni Jenny nang magising siya. Nasa tapat na sila ng gate.

" Nakatulog pala ako?" tanong niya sa kaibigan.

" Ay hindi, gising ka nga eh dahil sa pagkagising mo ang hirap mong patulugin." masungit na sabi ni Jenny, problema nito?

" Ang sungit mo naman, meron ka?" kinurot naman siya nito.

" Baba ka na, kanina pa tayo dito sa tapat ng gate." nahihiya naman siyang napasulyap kay Dominic, natawa lang sa kaniya ang loko.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon