𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15

363 21 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15💗

Hindi naman siya pumalpak sa trabaho dahil iniwasan niyang isipin yung pag-uusap nila ng kanilang boss pero nung makauwi na sila ay hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip. Wala naman sa patakaran na bawal mag-isip kaya nilubos-lubos na niya kahit dahilan pa ito ng kaniyang pagkapuyat.

Naging parang lantang gulay tuloy siya pagkagising niya sa umaga. Isang oras lang ang tulog niya, magiging lutang siya mamaya sa klase mamaya. Hindi na nga siya nakakaintindi sa mga itinuturo mas lalong madadagdagan na naman mamaya.

" Hindi ka ba natulog kagabi? Tignan mo nga yang mukha mo para kang panda na nalanta." ang aga-aga nag-iingay na naman 'tong bruha na ito.

" Hindi ako makatulog kagabi kaya inumaga na ako." totoo naman kasi na hindi siya makatulog.

" Ano bang iniisip mo at hindi ka makatulog?

" Wala naman. Sadyang hindi lang ako makatulog." pagsisinungaling niya dito kahit alam naman niya ang rason kung bakit hindi siya makatulog.

" Sinungaling. Alam ko na may iniisip ka at si sir Gab yun hindi ba?" sabi ko nga na kilalang-kilala na ako ng bestfriend ko.

" Oo na siya na. Ikaw kasi eh inumpisahan mo ang magtanong-tanong kahapon tignan mo tuloy siya na ang naiisip ko." reklamo niya dito.

" Abah kasalanan ko pa? Hindi naman ako na-inform na kapag na-i-topic lang ang crush ay hindi ka na makakatulog." sarkastiko nitong sabi.

" Tama na nga yan. Magluto na lang tayo ng agahan." tinalikuran na niya si Jenny sa kanilang kwarto. 

Dumiretso na lang siya sa kanilang kusina at doon naghilamos. Sumunod naman sa kaniya ang kaniyang kaibigan na pahikab-hikab pa.

" Hindi mo pa naipapasa yung mga picture.

" Ay oo nga pala nakalimutan ko kagabi. Mamaya na lang."

Makakalimutin na kaibigan, mabuti na lang hindi niya nakakalimutang mag-panty.

Nagluto na lang siya ng dalawang noodles at nilagyan ng dalawang itlog. Paubos na naman ang kanilang stock kaya need na nilang mag-grocery.

" Kailan tayo mag-go-grocery? Kaunti na lang stock natin na pagkain. Mga shampoo pa, sabong panglaba at sabon sa katawan."

" Bukas na lang. Half-day naman tayo, walang pasok sa hapon. Babayaran pa natin yung singil ngayong buwan dito sa apartment."

" Hindi pa naman natin nagagastos lahat yung sweldo natin ngayong buwan kaya yun na lang ang gagamitin natin. Mabuti na lang wala pang pinapagawa yung mga teacher natin na kailangan ang pera."

" Malapit na naman tayo mag-perform sa plating tsaka pagluluto. Mahihirapan na naman ako dun. Bakit ko kasi ginusto na maging chef." natawa siya sa kaniyang kaibigan.

" Remember gusto mong ipagpatuloy yung nasimulan ng mommy mo kaya tiis-tiis ka na lang."

" Boba talaga ako sa pagluluto mabuti na lang hindi ako napapagalitan ni ma'am." natatawang sabi ni Jenny.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon