𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 07

403 20 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 07💗

Sa lumipas na tatlong araw ay gumaling din ang kaniyang kaibigan. Saturday na naman kaya nasa trabaho siya ngayon. Natutulog siya sa bahay nila Jenny nung hindi pa ito magaling. Wala ngang pakialam ang kaniyang ama at step-mom nito na nandoon ako. Hindi man lang nila tanungin kung bakit ako nandoon sa bahay nila. Ano pa ba ang aasahan niya sa mga yun.

Habang nagtatrabaho siya ay may kumalabit sa kaniya. Dahil mabait naman siyang nilalang ay binalingan niya ito. Nanlalaki ang matang tinignan niya ang puncho pilatong kumalabit sa kaniya.

" Grabe ka naman na makatingin sa akin prenn, parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo ah." pang-aasar nitong sabi.

" Eh paano ba naman akala ko isang linggo kang mawawala pero bakit ka na nandito? Tsaka anong sinasabi mo na gwapo ka? Asa ka ang pangit mo." napahawak naman si Dominic sa kaniyang dibdib na nag-aktong nasaktan. Hindi ko naman itatanggi na gwapo si Dominic kahit na nasa edad 28 na 'to.

" Nakakasakit ka talaga ng damdamin prenn. Ahm nandito lang naman ako kasi nabalitaan kong nagkasakit si Jenny. Kamusta na siya? Magaling na ba siya?" tsismoso talaga ng lalaking 'to, pero infairness ha nag-aalala ito sa kaniyang kaibigan. Hindi na siya magtataka kung ang mga katrabaho nila ang nakapagsabi dito.

" Ahm maayos na siya, kaunting pahinga na lang. Ako naman ang nag-alaga sa kaniya kaya hindi ito nahirapan. Yun talaga ang ipinunta mo dito para tanungin kung maayos na ba si Jenny? Pwede mo naman akong i-text ah o hindi kaya tawagan kapag breaktime." napapakamot naman si Dominic sa kaniyang ulo.

" Eh kasi ano ah basta huwag mo ng pansinin yun. Ahm talaga bang maayos na siya? Wala na siyang lagnat kahit konti." napatawa naman siya sa itinuran ni Dominic.

" Mamaya na tayo mag-usap may trabaho pa ako, mabuti sayo kahit hindi ka magtrabaho ay ayos lang. Ikaw ba naman ang kaibigan ng may-ari ng Restaurant. Mapapa-sana all na lang ako." binatukan naman siya ng mahina ni Dominic habang tumatawa, pinagtitinginan tuloy sila. Mukha naman kasing kagagaling lang sa mental itong lalaki na ito kung makatawa.

" Usap den us mamaya, doon lang ako sa office tinatamad akong magtrabaho ngayon tsaka huwag kang mag-alala irereto kita kay Gab para magiging sayo din itong Restaurant." kinurot niya ito ng madiin dahil sa kaniyang sinabi.

" Huwag ka ngang nang-aasar diyan, kapag narinig nila yang pinagsasabi mo baka magsumbong pa sila. Kapag ako natanggalan ng trabaho ipapakatay kita sa palengke." lakas mang-trip ng lalaki na 'to.

" Oh nagagalit ka na naman diyan prenn. Ayaw mo yun magkakaroon ka na ng love of your life, magpasalamat ka na lang sa akin kapag tumalab ang gagawin ko. Ipagdasal mo na lang na magiging kayo ng kaibigan ko." tinapik-tapik ni Dominic ang kaniyang ulo bago ito nagmamadaling pumasok sa kaniyang opisina.

Sarap talaga ipakatay ang lalaki na yun. Wala na siyang ginawa sa kaniyang buhay kundi asarin ako. Nahihiya siyang tumingin sa mga taong nakatingin sa kanila ni Dominic kanina. Bwisit talaga si Dominic.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang trabaho. Nang may nagsidatingan na customer ay lumapit siya sa mga ito para tanungin kung ano ang gusto nilang order'in. Kinuha niya ang papel na nasa bulsa ng kaniyang apron bago simulan na isulat ang sinasabi nilang o-order'in nila.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon