𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17

307 21 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17💗

Ngayong araw na ang kaarawan ng kaibigan nilang si Brylle kaya naisipan nila ni Jenny na mag-contribute ng pera para iisang regalo na lang ang ibigay nila sa binata. Kaka-grocery lang kasi nung isang araw at nagbayad sila ng upa ng apartment.

Naglalakad na sila ngayon ng kaniyang kaibigan papuntang school. Kung may sapat lang sila na pera ni Jenny baka may pa-surprise sila ngayon na gaganapin kaso wala kaya soon na lang.

" Matagal ko ng hindi nabibisita sina mommy at daddy." sabi niya sa kaibigan habang naglalakad sila.

" Eh di puntahan natin this weekend."

" Malayo kasi wala tayong pamasahe sa Isabela pa yun."

" Pag-ipunan na lang natin para makapunta tayo baka nami-miss ka na ng magulang mo sa tagal mong hindi bumisita. I think last na punta mo dun ay 2013 diba? Kasama mo ako nun." tumango naman siya dito.

" Miss ko na din sila. Tanging sa larawan ko na lang sila nakikita. Ang hirap ng walang pamilya sa iyong tabi."

" Mahirap talaga bes, hayaan mo tutulungan kitang mag-ipon para makaluwas tayo papuntang Isabela."

" Thank you, bes!"

" Walang anuman yun. Bestfriend na sister kita eh kaya tutulungan kita."

" Ayun si Brylle oh." turo niya kay Brylle sa gilid ng bakod.

Dali-dali silang nagtungo doon ni Jenny ng makita sila ni Brylle ay kinawayan sila nito habang may malawak na ngiti.

" Hoy Happy Birthday!" bati niya dito ng makalapit na sila sa kaniya.

" Happy Birthday, bakla!" bati naman ni Jenny dito.

" Thank you two. Asan gift ko?" nakanguso pa ang binata sa tanong nito

" Wala kaming pera pasensya na." sagot nito. Napasimangot naman ang binata tapos ngumiti din kaagad. Siyempre ibibigay nila yung gift na binili nila kapag nasa bahay na sila nito.

" Okay lang yun at least binati niyo ako. Hatid ko ba sa apartment niyo mamayang hapon tapos sabay-sabay na tayong pumunta sa bahay?"

" Ikaw ang bahala, ikaw naman ang may birthday kaya ikaw na bahalang mag-desisyon."

" Punta den muna tayo sa apartment niyo para diretso na." sumang-ayon naman sila kaagad sa sinabi nito.

Nagpunta na naman sa gitna nila si Brylle at inakbayan silang dalawa ni Jenny.

" Tara." sabi nito at iginaya na sila papasok sa gate.

" Huwag kayong mahihiya na kumain mamaya sa bahay ha kainin niyo lahat ng gusto ninyo hindi naman bawal tsaka kahit mag-uwi pa kayo ng pagkain ayos lang."

" Gago nakakahiya naman yung mag-uwi ng pagkain, nakikain na nga kami eh tapos kukuha pa kami kung iuntog kaya kita sa pader.

" Ang harsh mo naman mare. Sinasabi ko lang eh baka gusto niyong mag-uwi. Iuntog agad eh."

" Huwag na Brylle mabubusog din naman kami dun. Baka sabihin pa nila na buraot kami masyado."

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon