𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21

314 18 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21💗

Sa lumipas na isang araw ay stress na stress sila. Paano ba naman ang dami nilang activity na ginawa sa school. Kailangan pa itong i-perform isa-isa sa harap. Sabay-sabay pa talagang nag-pa-activity ang mga teacher nila. Siguro nag-usap-usap ang mga yun na magpa-activity sila.

Yung iba nga nilang kaklase ay hindi nagawa yung iba nilang activity. Lalo na yung individual work. Ang nagawa lang ata nila ay yung group work. Mabuti na lang natapos nilang tatlo ang mga activity. As usual magkakasama na naman sila sa activity kasi magkakatabi naman sila.

Wala namang nagrereklamo na mga kaklase nila na silang tatlo palagi ang magka-ka-grupo kapag may group work. Naiintindihan naman ng mga ito na silang tatlo lang ang close sa isa't isa. Kinakausap naman nila yung mga classmate nila pero hindi sila ganun ka-close. 

Kapag naman group work ay seryoso si Brylle hindi ito dumadaldal, dumadaldal pero kapag may sinasabi lang ito na sagot. Loko-loko lang ang mokong na yun pero matulungin kapag may ganun silang activity. Magaling din kasi ang binata.

Ngayong araw ay nasa bahay sila nila Brylle. Sabado ngayon. Ang aga-aga ay sinundo na sila ni Brylle sa kanilang apartment. Kahit hindi pa sila nag-a-agahan ay kinuha na sila nito. Sabi nito na sa bahay na lang sila mag-breakfast dahil nagluto ang mommy nito.

Kumuha na lang sila ng damit na gagamitin nila at makikiligo sila dito kila Brylle. Pupunta sila ngayon sa palengke para bumili ng gagamitin nila next week sa i-pe-perform nila. 

Dahil nabanggit ni Brylle kanina sa kapag-kainan na pupunta silang palengke at bibili ng mga masusustansiya na gagamitin nila ay binigyan sila ni tita ng pera. Tumanggi sila ni Jenny pero nagpumilit ang matanda, para daw wala na kaming gagastusin pa. Gagamitin na lang daw namin ang aming pera sa kakailnganin namin sa apartment.

Dahil may dalawang guest room sina Brylle ay tag-isa sila ng banyo na ginamit ni Jenny. Mas nauna na natapos si Jenny kaysa sa kaniya. Nang puntahan niya ito sa kwarto kung saan ito ay nakabihis na ito.

" May blower dito gamitin mo na para matalian mo yung buhok mo. Mausok mamaya sa pupuntahan natin, madaming sasakyan pagpapawisan ka." bungad sa kaniya nito ng makapasok siya.

Kinuha naman nito yung blower na hawak-hawak ng bruha. Nakabihis naman na siya sa banyo kanina kaya yung buhok na lang at mukha ang aayusan niya.

Nang makaayos na siya ay bumaba na sila. Nakabihis na din si Brylle at nakaupo ito sa sofa habang nasa taas ang dalawa nitong paa sa mesa na nadun. Umayos din ng upo ito ng makita sila ni Jenny.

Malawak ang ngiti nito ng makalapit silang dalawa sa kaniya.

" Ang swerte ko talaga. Ang ganda-ganda ng dalawa kong bestfriend." proud na proud na sabi nito habang nakangiti ng malawak. Inakbayan pa sila nito.

" Gwapo ka din naman kaya swerte din kami." nangingiting sabi niya dito.

" Siyempre maganda din nag lahi namin kaya gwapo ako." nasisiyahang sabi naman ng binata. Napapailing na lang siya. " Tara na ba?"

" Tara na. Magpapahatid ba tayo o mag-co-commute?" tanong dito ni Jenny.

" Magpapahatid na lang. Sayang naman yang porma niyo kapag pinagpawisan kayong dumating dun." natatawang sabi ng binata. Kinurot naman niya ito sa tagiliran.

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon