𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13

330 21 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13💗

Simula nung matapos ang birthday ng kaniyang kaibigan ay hindi na niya ito madalas na makitang malungkot. Madalas na niya itong makita na maaliwas ang mukha  wala ng bahid ng kalungkutan ang makikita dito.

Sa school naman ganun pa rin, hindi na nila masyadong pinag-uusapan ang nakaraan nila. Mas pinagtutuunan na nila ng pansin ang mangyayari sa kanila in the future. Si Brylle ay palagi pa ring sumasama sa kanila naging kaibigan na din nila ito.

" Saan tayo mamaya?" tanong sa kanila ni Brylle.

" Anong saan?

" Malamang kakain tayo mamaya ng pananghalian, so saan tayo?"

" Ang daldal mo na ah, dati lang ay may nahihiya ka pang nalalaman."

Natawa sa kaniya ang binata sabay akbay sa kaniya na hinayaan niya lang.

" Dati lang yun 'no, dapat daw kapag first time mahihiya ka tapos pag tumagal na huwag ng mahiya." proud na proud pa na sabi ng binata.

" Mga palusot mong bulok. Nasaan na ba si Jenny ang tagal na mang umihi."

" Totoo naman yung sinabi ko ah." kunwaring nagtatampo na sabi ni Brylle. " Oh si Jenny? Baka isang drum ang ihi nun kaya matagal." natatawang sabi nito ng biglang may bumatok sa kaniya. " Aray! Papansin ka namang nilalang ka bakit ka nambabatok! Pinapakain mo b-" hindi natuloy ang sinasabi ni Brylle dahil pumunta sa harap nito si Jenny.

Inilagay ni Jenny ang kamay nito sa kaniyang bewang habang nakatingin kay Brylle. " Oh ituloy mo.

" Ito naman nagbibiro lang ako eh." napapakamot sa batok si Brylle habang nagsasalita. Takot naman pala eh.

" Huwag mo akong mabiro-biro." mataray na sabi ng kaniyang kaibigan.

" Ang taray mo naman, meron ka ba ngayon ha?"

" Manahimik ka." inis na sabi ni Jenny. Ang init naman ng ulo nito.

" Oh ito na tatahimik na, puputok ulo mo diyan ha ang init eh."

Hindi na pinansin pa ni Jenny ang sinabi ni Brylle kundi inirapan na lang niya ito.

" Bakit ang tagal mo?" tanong niya sa kaibigan ng makaupo na ito sa upuan niya.

" Eh ang daming tao doon tapos may mang-aaway na lang sa akin doon na mukhang clown. Inaagaw ko daw ang boyfriend niya like duh! Hindi ko nga kilala ang boyfriend niya tapos sasabihan niya akong mang-aagaw." magksalubong ang kilay ng kaniyang kaibigan dahil sa inis sa nang-away sa kaniya. Kaya pala mainit ang ulo nito.

" Ano daw ang pangalan ng boyfriend niya?" tanong niya dito.

" Hindi naman sinabi, nakita niya daw ang picture ko sa cellphone ng boyfriend niya."

" Oh may secret admirer ka."

" Yuck! Ang creepy nun. Sinong lalaki ang maglalagay ng picture sa cellphone niya kahit may girlfriend? Adik yun! Huwag lang magpapakita ang lalaking yun kundi ipapaputol ko yung kaligayahan niya."

I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon