𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 09💗
Nasa Restaurant silang dalawa ngayon ni Jenny. Isinama na niya ito para kapag nakausap niya si Dominic ay ipapakilala niya ito kaagad kay Manager Gerald.
Sana naman payag silang kunin si Jenny kahit na hindi na sila naghahanap ng magtatrabaho dito.
Mamayang 7:30 pm pa naman ang kaniyang schedule kaya pwede niyang kausapin ngayon si Dominic. Hinila niya si Jenny at nagtungo sila sa office ni Dominic. Siya na ang kumatok sa pintuan nito. Nang marinig niyang magsalita ito na pumasok sila ay kaagad niyang binuksan ito.
Naabutan nilang may binabasa ito na papel. Kung ano man yun ay wala na siyang pakialam dun.
" Oh prenn bakit? May kailangan ba kayo?" tanong sa kaniya nito. Nilingon naman niya ang kaniyang katabi. " Hi, Jenny! Kamusta?" naks ah. Ano ako dito hindi man lang niya kakamustahin? Charizzz.
" Ayos lang naman." sagot agad ni Jenny dito, naks nakakapanibago na hindi nautal ah.
" Hmm good to hear that. So bakit nga kayo nandito?" tanong ulit sa kanila ni Dominic.
Umupo siya sa upuan na inupuan niya noong ininterview siya. Sumunod naman na umupo ang kaniyang kaibigan sa katapat niyang upuan. Akala mo naman na hindi ito nahihiya sa kaharap nila ngayon.
" Itatanong ko lang kung maaari bang magtrabaho si Jenny dito kahit hindi na sila naghahanap ng waiter/waitress? Alam mo naman diba na naglayas siya sa bahay nila kaya kailangan niya ng trabaho para magkapera." sabi niya dito.
" Pwede ko naman siyang bigyan ng pera kahit huwag na siyang magtrabaho."
" Huh? Anong binulong mo? Gsgi ka hindi malakas ang pandinig namin para bumulong ka." mataray nitong sabi, bubulobg-bulong pa kasi.
" Ang sabi ko ay pwede pa siyang kunin. Ano ba ang alam niya na trabaho?" nilingon naman niya si Jenny.
" Oh sagutin mo yung tanong niya. Ikaw naman ang mai-interview dito." pinandilatan siya nito kaya pinandilatan niya din ito. "Hayst! Sagutin mo na bes." tumikhim muna si Jenny bago ito nagsalita.
" Ahm m-magwalis?" napatingin siya kay Dominic nang tumawa ito.
" 'Yan lang alam mo na trabaho? Paano na 'yan kapag inasawa kita ngayon? " as usual hindi na naman nila narinig ang ibinulong nito.
" Ahm m-m-maghugas din tsaka m-maglaba." natatawa na lang siya sa kaibigan niya dahil pati paglalaba ay idinamay niya.
" Maglalaba ka dito?" nakangising tanong ni Dominic. " Anong alam mong gawain sa kusina?"
" Maghugas." diretsong sagot ni Jenny.
" Wala ng iba?" umiling si Jenny dito. " Magluto?" umiling ulit ang kaniyang kaibigan. Ano pa ba ang aasahan dito sa kaibigan niya?
" Pagpasensiyahan mo na Dom, ganda lang ambag niyan sa lipunan pero tuturuan ko na lang siya sa mga gawain dito. Hindi naman ganun kahirap." binalingan niya ang kaniyang kaibigan na nakatingin sa kaniya, nakatingin din ito sa kaniya tapos iniirapan siya. Problema nito?
BINABASA MO ANG
I'm in Love to a Fatty Man(COMPLETED)
RomanceTWO - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Maniniwala kaya si Alhiazhandro Gab Alloro kapag sinabi ng babaeng si Shannara Alexa Gomez na mahal niya ito? Maniniwala kaya siya na mahal talaga siya ng dalaga o pinagti-tripan lang siya nito? May mga...