Chapter 1

50 7 23
                                    

Chapter 1

Nowhere to Run


Umalingawngaw ang aking mga yapak sa hallway habang natakbo. Pilit kong binubuksan ang bintana o exit door na matatagpuan ko pero lahat iyon ay naka-lock.

May sumisigaw mula sa malayo na nagpaalarma sa akin. Kung may sigaw doon, ibig sabihin nandoon ang pumapatay sa amin.

Lumiko ako sa kabilang direksyon, palayo sa sigaw. Wala akong oras para tumulong sa iba o magpakabayani kung mapapatay lang din ako.

Survival is my priority. Kailangan ko pang umuwi sa pamilya ko na naghihintay sa akin sa Laguna.

Naghanap ako ng locker na walang nakakabit na lock hanggang sa may nahanap akong isa.

Nagtago ako sa loob ng locker. Ang problema lang ay hindi ito masarado dahil sira ang pintuan nito pero wala akong ibang choice.

I peaked through the slits of the locker. Huminto ang aking paghinga dahil sa narinig kong pagyapak ng Math teacher pero hindi ko siya makita.

Napatakip ako sa bibig ko nang dumaan siya sa harapan ng locker ko na tila bang naaamoy niya ang takot ko.

Sumandal ako sa pader ng locker nang lumapit ang mukha ng Math teacher sa locker na tinataguan ko. Grabe ang lakas ng pintig ng puso ko!

Hinawak niya ang pinto, ang daliri niya'y nasa loob na ng locker hanggang sa may sumigaw mula sa dulo ng hallway na humatak ng atensyon niya.

Agad niyang binitawan ang locker door atsaka tinalikuran ang locker na tinataguan ko para sundan ang sigaw.

Nanginginig ang buong katawan ko, lalo na't ang aking kamay na pinagpapawisan na. Ayokong lumabas ng locker pero delikado pa rin itong pwesto pinagtataguan ko, baka mamaya balikan niya pa ako.

Kailangan kong makaalis sa impyernong ito.

Napabunggo ako sa kung ano man ang tumama sa akin na siyang dahilan para matumba ako sa sahig dahil sa pagkawalan ko ng balanse.

Hinimas ko ang noo at ilong. Parang akong sinapak sa mukha. Ang bilis pa naman ng takbo ko.

Napatingin ako sa lalaki na may mantsa ng dugo sa uniporme pero mukhang hindi galing sa kanya iyon o sa akin dahil sinuri ko naman ang sarili ko at walang nagdurugo sa aking katawan.

Agad akong napatayo, naalarma dahil napagtanto ko lang kung may tinatakbuhan siya, baka sinusundan siya nito. Kailangan ko siyang layuan at magtago malayo rito.

"Wait!" sigaw niya pero hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo sa kabilang direksyon, hindi sa pinanggalingan ko pero sa isa pang koridor.

Naririnig ko siyang sumusunod sa akin at tinatawag ako. Gusto ko siyang sigawan pero makakadagdag lang iyon sa ingay.

I stopped in front of a room, tumigil din siya. Tiningnan ko siya na mapait ang aking tingin sa kanya.

Huwag kang mag-ingay! Mahahanap nila tayo!

Napalunok siya atsaka tumango tila bang naintindihan niya ang pinapahiwatig ko.

Pinihit ko na ang doorknob at papasok sa loob para magtago nang bigla siyang kumapit sa balikat ko. 

"You shouldn't hide." He leaned closer to my ear and whispered.

"Why not?"

"If you want to live, you need to come with me."

"May alam kang eskapo?" I turned to face him, eager and desperate to get out.

"No, but we'll find one soon enough."

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon