Chapter 33

7 0 0
                                    

Chapter 33

Mordecai's Gold


"Cove?"

Nagising na lang ako nang may narinig akong boses. Ang hindi ko inaasahan ay magigising ako sa loob ng glass tube. Hala! Ano nangyayari sa'kin?

Ako naman ang naging Aurum ng isang player.

Tumingala ako sa harapan ko. At first I saw my own reflection, but when I looked further away, there was someone standing in the middle of the chemistry room, his pretty eyes staring back at me.

Hindi lang pala siya basta-basta na player...

It was Mordecai.

"Mordecai!"

Agad akong napabangon at lalapit sana sa kanya nang mabunggo ako ng glass. Kinapa-kapa ko pa ito at niligoy ang aking paningin.

Hindi ako makapaniwala na nandito ako. Bakit ganito? Punishment ba nila ito sa'kin?

Naalala kong may sinabi ang guard na may susunod na player sa'kin at si Mordecai pala ito.

"In order to win the game, you must choose one to become your Aurum. Because you only have one choice, you have to choose whether Cove Molina will be your Aurum or die instead."

Naiwan kaming nakatitig ni Mordecai sa isa't-isa nang mawala ang announcer. Sa halip na matakot si Mordecai, lumapit siya sa'kin hanggang sa magkaharap kami.

Tumingala ako sa kanya habang nakatitig siya sa'kin, his eyes gentle and soft, his lips parted open, his breath fogging the glass with its warmth.

He placed his palm on the glass and I did the same. I can't explain why but my heart is beating faster than ever, my breath also fogging the glass now that I'm closer to him.

"I'd die for you."

Namuo ang luha sa mga mata ko, hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong naiyak dahil sa sinabi niya. Nakakapanghina ng loob.

"Don't say that, Mordecai." I sniffled and wiped away my tears.

"Cove, kung alam mo lang ang lahat ng ibibigay ko para sa'yo..." isinandal niya ang kanyang noo sa glass habang nakapikit ang mga mata niya.

"Mordecai? Naririnig mo ba ako?"

Muli siyang tumingala sa'kin. Narinig niya na ba ako?

"Napakaganda mo talaga. I fell in love with you all over again."

"Mordecai! Makinig ka sa'kin."

"Sana man lang alam mo ang nararamdaman ko, kahit simulation ka lang sa paningin ko ngayon."

Nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. He can't be serious. Kung iniisip niya lang na simulation ako, delikado ito! Paano ko makukumbinsi siya na totoo ako?

"Mordecai, kailangan mong basagin 'yung glass box mo para makatakas ka! Epektibo ang kemikals! Gumamit ka ng magnesium! Tuturuan kita!"

"Ano na kaya gagawin ko bago ko piliin ang sarili ko? Parang gusto ko muna magkwento, to pass the time before I choose to die." Nakangiti pa siya, pondering what to do with me.

Hindi niya ko naririnig. Iba ang glass tube na ginamit nila para sa'kin para hindi niya ko marinig. Nakikita niya lang ako. This is bad.

I tried using sign language pero hindi niya maintindihan ito, napapakunot lang ang kanyang noo at mukhang nalilito pa siya. Then I tried pointing at myself then pointing at him.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon