Chapter 30

7 1 2
                                    

Chapter 30

Warning of Diaz


"Are you sure you're okay, Cove? Wala naman silang ginawa sa'yo?" pangungulit ni Lothaire. Pang-ilan tanong niya na yata ito.

"Oo nga! Kanina pa kayo tanong nang tanong! Kayo kaya magpatingin sa doktor dahil parehas kayong may mga pasa sa mukha!" nakasimangot kong sagot.

Pinalibutan ako ng mga kaibigan ko, chinecheck ang bawat parte ng katawan ko para masigurado kung may ginawa ba silang experiment, naglagay ba ng chip, o kung anu-ano pang speculation nila pero wala naman ako naramdaman na kakaiba. Na-check ko naman ito sa kwarto.

"I didn't start the fight, I was trying to reason with a furious cat," panumbat ni Lothaire. Mordecai gave him a side eye.

"You deserve those bruises, Lothaire." Mordecai said.

"You spoke with your paws first."

"I'm not a cat! I'll beat your ass again!"

"That's what a cat would say."

Patagong natatawa sina Enid at Oslo habang nakatingin sa kanila. Dedma lang si Gabriel. Honestly, they look ridiculous.

"Ayan na naman kayo! Kakabati niyo lang!" suway ko.

"Why are you glaring at me? I'm not the one who pointed a gun to one of ours!" depensa ni Mordecai.

"Grabe ang temper mo, Mordecai. Kay Cove ka lang yata hindi nagagalit." Enid poked fun at him.

"Pinagtutulungan niyo ba ako?"

"Hindi pero ang saya mo lang asarin," pag-amin ni Oslo na nakangisi.

"You are Mordecat. You can't change our minds," dugtong ko pa.

"Shut up!" namula ang pisngi ni Mordecai. "Call me Mordecat one more time, I'll punish you!"

"Sige nga, paano mo ako paparusahan?"

"I'll damn spank you!"

"Ano ako? Bata?"

"No, but you're my baby."

"Gago!"

Natawa lang si Mordecai sa naging reaksyon ko. I had to punch him on his arm and he pretended to cry in pain.

Parang tanga lang.

"Enid? Magang-maga mata mo. Anong nangyari?" Tanong ni Oslo, natuon ang atensyon namin kay Enid. Light are dimmed so we could barely see each other but the light from the walls gave her a glow.

"Hindi pa rin ako makatulog pagkatapos ng nangyari sa'tin sa game ng Langit, Lupa, Impyerno." Komento ni Enid na nakayuko. "Napapaginipan ko 'yung mga binaril ko. Parang hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na nagawa ko 'yon, mapapatawad ba ako ng anak ko kapag nalaman niyang nakapatay ako ng ibang tao?"

Dama ko ang nararamdaman niya, kahit ako hindi rin halos makatulog dahil napapaganipan ko sila, maski ang mga namatay na graduates hindi pa rin nawawala sa'kin.

"You didn't have a choice, Enid." wika ni Lothaire.

"Tatlo ang pinatay ko, Lothaire. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa kanila dahil matagal na silang nakakasakit ng ibang tao na kinaiinggitan nila pero wala akong malinis na konsensya. Paano ko matuturuan ang anak ko kung ano ang tama kung hindi ko rin alam ito para sa sarili ko?"

"Iba ang rules sa games kumpara sa real life. Oo, sa real life masama ang pagpatay, pero nasa games tayo, Enid. Hindi ko sinasabi na mali ang ginawa mo pero hindi rin ito tama. Sadyang napilitan kang pumulot ng baril at pindutin ang trigger nito dahil may nakatutok din na baril sa'yo." Paliwanag ni Lothaire bago niya tinapik ang balikat ni Enid.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon