Chapter 24

6 1 0
                                    

Chapter 24

Survival of The Fittest


Nang humampas ang sahig sa kisame, ang nanatili lang naririnig sa paligid ang nadudurog na katawan ng tao, their voices being squeezed out by their guts, blood splashed all over my face.

"P-P-Pau... l-lo..."

"M-Mi... k-k-ka..."

"Mahal na mahal... kita..."

"Mahal na... mahal din... kita..."

The way they called the names of their love is gut wrenching, ang kanilang boses ay nagmistulang nalulunod sila sa sarili nilang dugo. It was unbearable to listen to them die in front of each other at the same time.

Napayuko ako at tinakpan ang tainga ko. Tinakpan ni Enid ang kanyang tainga. Nag-flashback sa'kin ang mga namatay namin na schoolmates sa ibang games... at dumagdag naman ito.

When will this ever end?

Nagulat na lang ako dahil sa ibabaw ng kisame, lahat ng mga graduates ay nandito na. We felt the floor groan until it becomes stable. Lahat ng mga nakalaya at nanalo sa Library ay pinagsama-sama rito sa gymnasium.

They don't even know they are standing on the platform that crushed other graduates' bodies and bones right beneath them... Paulo and Mika's bodies...

Yumuko ako para tingnan ang sahig na tinatapakan ko, dito ko napansin ang mga dugo na kumalat at umabot sa sapatos ko mula kay Mika na malapit lang sa pwesto ko.

I gasped. Umatras ako sa tinatapakan kong dugo, it left a trail of blood stained footsteps from my shoes. Napansin ko rin na nanginginig ang mga kamay ko pati ang paghinga ko'y nangangatog.

Kung alam ko lang na tama ang hinala ko, hinila ko na siya sa'kin para hindi siya mapirat ng kisame. Wala na rin oras at pagkakataon para magbago pa ng posisyon.

Hindi ko kayang isipin ang iba habang nililigtas ang sarili ko pati na rin ang mga kasama ko. Mahirap ipagsabay lalo na't wala kang oras makapag-isip na makakatulong para sa lahat, at kahit mayroon man kami maisip... the game won't allow us to win in our own way.

And they have proven that in the Death Room.

"Cove," nilapitan ako ni Lothaire habang nanatili akong tulala at istatwa sa kinakatayuan ko.

Naramdaman kong iniyakap ako nang mahigpit ni Lothaire. Grabe ang pangangatog ng katawan niya, pati ako rin nanginginig habang nakayakap sa kanya.

"I'm sorry..." bulong ko.

"Bakit ka nagso-sorry?" Lothaire wiped off the blood from my face. "You have nothing to apologize for."

"I wasn't able to save them. The square they were standing on was right, but I didn't realize that the squares have a split second difference from the others." humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Cove, you saved us. None us knew what else to do. We listened to each other and tried the best we can to survive. It's not your fault they died." naramdaman kong hinahaplos niya ang aking likod at ulo habang kinocomfort niya ako.

I let out a sigh at hinayaan ang sarili ko na mabaon sa yakap niya. Ang malalim niyang paghinga ay humahaplos sa mukha ko na tila ba siya rin ay kumawala rin sa wakas ang malalim niyang kaba.

"It wasn't me. My teacher saved us," naalala ko muli ang panahon na nasa classroom ako ng mga students na bumagsak sa exam. Karamihan ng mga kasama ko roon ay patay na. "Kung hindi niya tinuro iyon sa'min, baka hindi ko pa ito malalaman at lahat na tayo namatay. Kaya ko lang naalala ito dahil kailangan kong i-retake ang klase niya dahil pumalpak ako sa subject niya. She made me repeat the equations and problem solving hanggang sa nasanay ako."

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon