Chapter 12

15 3 0
                                    

Chapter 12

A Choice of Survival


We are running for our lives through the darkness.

Kaya pala lahat ng mga bintana ng dormitory ay barikado dahil parte ito sa magiging games namin. I thought it was possible for this place to be a safe, resting point but I was wrong.

The only safest place I know is with the person I can trust and it's Lothaire Santiago.

"Get down and stay near the walls. Our best bet is to stick together and find Oslo and Enid." Sabi ni Lothaire.

"Gotchu." I said.

Yumukod kami sa sahig habang nakadikit kami sa pader. Madilim naman kaya walang makakakita sa amin na mag-ninja mode.

Biglang bumukas ang ilaw sa buong building na naging dahilan kung bakit kami napahinto sa paglalakad. Ang mas ikinagulat namin ang gulong nangyayari sa paligid.

Punung-puno ng dugo ang pasilyo. May ilan mga kwarto na nakabukas at makalat ang loob habang ang iba naman ay naka-lock pa rin.

Sa bawat gilid-gilid, may nagsusuntukan at naglalaban na estudyante mapa-babae man o lalaki, ang iba naman ay tumatakbo at tinatakasan ang kung sino man naghahabol sa kanila.

"Get down!"

Inalalayan ako ni Lothaire at agad kaming napa-crouch down dalawa. Iyon pala'y biglang may naghagis ng upuan atsaka tumama ito sa pader na nasa likod lang namin. Ang nagbato ng upuan ay may binubugbog na ngayon sa sahig.

"Keep walking and don't get caught between any fight." Payo ni Lothaire. Napalunok ako nang bahagya atsaka tumango.

Dahan-dahan kaming tumakbo sa gilid ng pader upang hindi mapansan ng mga nagsusuntukan sa paligid namin. Paparating na kami sa dulo ng pasilyo nang napahinto na naman kami.

Nadatnan namin ang babae na nakaupo sa dibdib ng isang lalaki. Isinasaksak niya ang dibdib nito gamit ng basag na bote na hawak niya.

I could hear flesh tearing and blood oozing out from every stab Nakaharang siya sa daanan ng hallway papunta sa hagdan. I feel like vomiting at that moment but I don't even want to make a sound so she won't hear us.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lothaire sa kamay ko. Dahan-dahan kaming umatras baka sakali na hindi niya kami mapansin.

Pagkatalikod namin, sa dulo ng hallway, makikita ang grupo ni Ponsol na kakalabas lang ng kwarto na may umuusbong pang usok. Natabunan sila ng baby powder na inihagis ni Lothaire sa kanila.

"LOTHAIRE SANTIAGO! HALIKA DITO!" Sigaw ni Ponsol nang makita niya kami.

"Oh, shit." Lothaire cussed.

As soon as they were about to run, biglang nawala ulit ang liwanag sa buong building at napaligiran kami ng dilim.

Agad akong dumiretso sa kwarto malapit sa amin para makatago kami roon ni Lothaire pero naka-lock ang pinto. Hinampas ko ito, pinipihit ang doorknob pero ayaw bumukas. Tinawag ko ang kung sino man ang nasa loob.

"Pabukas! Please! Buksan mo ang pinto!"

"Ayoko mamatay! Bahala kayo diyan!" Sigaw pabalik ng kung sino man nagtatago sa loob.

Gusto ko sana sigawan na 'duwag' pero naiintindihan ko ang pakiramdam niya. Kung hindi lang napasukan ang kwarto ko, panigurado na nagtatago pa rin kami ni Lothaire sa kwarto.

"Anong gagawin natin, Lothaire?!"

"Follow my lead." Hinigit ako ni Lothaire pabalik sa pader, nanatiling mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon