Chapter 32
A Golden Choice
Pinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon ko, kung bakit ako nandito at mga nangyari sa'min, ang mga naging kaibigan ko sa games, ang mga kasalanan na nagawa ko sa games. I told them everything since the start.
Pagkatapos kong ikwento ito sa kanila, walang nagsalita. Masyado silang na-shock sa natuklasan nila.
Naiiyak na lang ako tuwing iniisip ang napatay ko. Kahit masama man si Ponsol pero nagi-guilty pa rin ako kakaisip na may pinatay akong tao. Pakiramdam ko hindi na mawawala ang guilt ko sa nagawa ko sa games para lang mabuhay.
Mukhang napansin ito ng magulang ko nang umiiyak na ko kaya napasalita na sila.
"Anak, ano man nagawa mo, ano man naging kasalanan mo, mahal ka pa rin namin," wika ni Papa na mas lalong nagpahagulgol sa'kin.
"Paano ko mapapatawad sarili ko kung may kinuha akong buhay? Kung hindi ko ito ginawa, mamamatay naman ako!" sinasakal ang boses ko kakaiyak.
"Ginawa mo ang dapat mong gawin para makabalik ka sa'min. Makasalanan man ang pumatay pero hindi ka nabigyan ng pagpipilian. Kasalanan ito ng gumawa sa'yo, ang naglagay sa'yo sa sitwasyon na ito. Hindi porket ikaw ang pumutok ng baril, masama ka nang tao, sadyang napilitan ka dahil may nakatutok din na baril sa ulo mo, hindi mali at hindi rin tama ang nagawa mo," malambing ang boses ni Mama na halatang kino-comfort niya ako.
Killing people doesn't make me cool or dangerous. It just means I've lost my humanity.
"Paano ko mababalik ang nawala na ngayon na hindi ko na mababawi ang pagputok ng bala?" tanong ko sa pagitan ng paghikbi ko, bumibigat ang aking dibdib sa sobrang hirap kong huminga.
"Alalahin mo kung para kanino mo ito ginawa, kung para sa'min, kung para makabalik ka at makasama kami, hinding-hindi ka namin tatalikuran bilang anak," wika ni Papa na naluluha na rin.
"Poprotektahan ka namin kahit sa sarili mong pag-iisip. I love you, anak," sabay hinalikan ni Mama ang palad niya at tinapat ito sa glass.
"I love you too," ngumiti ako sa kanila.
"Loko 'tong school na ito! Sinabi nila sa'min na patay na raw kayo kahit alam namin na may mali!" paliwanag ni Papa.
"Umuwi kami galing sa pagra-rally namin para sa inyo. Natulog kami at nagising na lang kami na nandito kami," dugtong ni Mama.
"They kidnapped you..." kumuyom ang kamao ko sa inis. "And brought here to become part of the games."
"Anak, kung nasa game tayo, paano tayo mananalo at makakalabas na buhay?" namumuo ang mga luha sa mata ni Mama. I wish I could wipe the tears away with my own hands.
"Hindi ko rin alam, Ma."
No wonder why this game takes days. May mga ibang graduates ang nahihirapan makapili kaya inaabot sila ng ilan oras bago sila makapili.
There is no deadline or timer. No countdown to stop this. Nandito kami hanggang sa mamatay kami sa gutom para makapili ng choices namin.
Malala na nga 'yung sa Langit, Lupa, Impyerno kung saan kailangan kong pumatay ng tao, pero 'yung papatayin ko 'yung pamilya ko para mabuhay ako? Madali ang sagot para sa'kin pero mahirap gawin.
"Cove, ako at ang Mama mo ang piliin mo," bilin ni Papa.
"Pa! 'Wag mo akong papiliin kung sino ang mamamatay! You are asking a lot from me!"
"Pero kailangan mong mabuhay, anak."
"Paano ang mga kapatid ko?! Ayaw mo ba silang mabuhay?!"
"Siyempre! Gusto ko silang mabuhay at ayoko rin na mamatay ka!" umiwas siya ng tingin at halatang nagpipigil na umiyak.
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...