Chapter 4
Fall
Napalunok ako nang bahagya. Anong ibig sabihin nito? Bakit nila pinaghiwalay ang mga Grades? Para saan ang mga numero namin? Is this going to be the normal school exams o mga kakaibang tanong ang ipapasagot sa amin?
"Hindi ko tutularan ang laro ninyo! Pauwiin niyo kaming lahat ngayon din!" Tumayo ang isang lalaki na may school uniform na duguan, nanggaling siya sa rows ng Grade C.
Biglang naging pula ang kanyang tile na siyang dahilan para tingnan niya ang sahig.
Nagulat na lang kaming lahat nang biglang bumukas ang tile at nahulog ang lalaki roon bago siya nawala at nagsarado muli ang tile.
"C18 has been eliminated!"
C18... that's the number of his desk.
Lahat nagsitinginan sa kani-kanilang mga desks na may mga numero. We all realized that we're trapped.
Kung umalis kami sa aming upuan... hindi... ayokong mangyari iyon sa akin...
"The timer of your Examination starts right now." Nagsimulang mag-countdown ang timer sa malawak na flatscreen sa pinakaharapan.
Lahat sila nagpapalitan ng tingin, hindi alam ang gagawin pero nang mapansin ng iba na may sumasagot at pumipindot sa desks, nagsimula na ang lahat na magsagutan.
We used to answer our exams on paper with a pen pero ngayon pinipindot na lang namin ito sa touchscreen na desk.
The technology they've been hiding in Golden Academy is baffling. The fact that they can shift the rooms and control the academy into a maze astonishes me.
How did they made it all possible? Are they a secret organization? Experiment ba nila kami?
Ang daming mga tanong na sumisingit sa utak ko habang sumasagot, my eyes end up blinking and staring at the same paragraph over and over again.
Stay focus, Cove Molina! Nakasalalay ang buhay mo na makapasa sa exam!
Bumukas ang tile at nahulog ang estudyante na nakaupo sa desk F48. Maririnig ang sigaw nito'y unti-unting humihina, nahuhulog sa kawalan, hanggang sa nagsarado muli ang tile nito at umilaw ng pulang marka ang tile na F48.
Tiningnan ko nang mabuti ang eksam, sinusuri ang bawat tanong, at sinasagot iyon.
Hindi ko pinapansin ang pagbukas ng tiles sa iba't-ibang mga desk, ang kanilang mga sigaw na makakasira ng pandinig at kinakalog ang takot sa aming mga damdamin na baka kami naman ang masusunod, ang pagsarado muli ng tile at ang katahimikan kasunod nito.
Maririnig ang mahihinang hikbi, daing, at malalim na paghinga mula sa ibang mga naiwan, sa lahat na desparadong mabuhay at makalaya sa impyernong pinasukan namin.
Für Elise is booming again from the speakers at the top corner of each room. Mukhang iyon ang kanta na pinapatugtog nila sa bawat "game" nila.
Hindi nila target ang mga matatalino o ang nasa Grade E pataas. Inuuna nilang ubusin ang mga Grade F katulad ko.
Bakit inuna nilang ubusin ang Grade F? Ihuhuli ba nilang laruin ang mga matatalino na Grade A?
Is there a particular order in their games? At first, it was manhunt, eliminating us all at once, then now they're eliminating Grade F, are they gonna target Grade E next?
What am I even thinking? Bakit ko iyon iniisip ngayon? My life is on the line in this exam and I should keep my focus there but I can't help myself wondering how I can escape from their games.
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...