Chapter 22
Escape
Kinilabutan ako sa aking mga nakita habang nililipat ang bawat pahina. May kulay na pulang ekis ang bawat estudyante sa graduation photo na mga namatay sa games.
Naalala ko rin ang mukha ng lalaki sa Examination na nakaupo sa F33, ang lalaki na tinanggihan kong makipagkopya at sunod bumagsak siya sa tile niya at namatay.
Ilan mga estudyante ang pamilyar sa akin na nakikita ko sa graduation book, mga babae't lalaki sa Marathon na sumabog ang katawan sa box, ang mga bangkay na natagpuan ko sa mga pasilyo at kwarto ng Black and White game, ang mga nalunod sa Pool of Gold at kumapit sa katawan ni Lothaire sa pinto, sunod naman ang lalaki na napagkamalan kong si Lothaire na gumawa ng mapa sa library at natagpuan kong puno ng saksak ang katawan at nakahiga sa sarili niyang dugo.
Napailing na lang ako sa mga alaala ng bawat estudyante na namatay sa mga games, each smiling faces marked with a big red X in this Book of Many Faces... our graduation book where everything is supposed to be happy and a beginning to a new chapter of our lives that became an epilogue to others who didn't make it.
Ito ang pang-anim na game. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang ipagpatuloy ito dahil napapagod na ako.
Hanggang ilan pa ba ang kakayanin ko o unti-unting wawasakin ng games ang pagkatao namin lahat at tila niloloko lang namin ang aming sarili na may tsansa na makatakas kami?
Hindi lahat ng mga schoolmates namin magagawang pumatay kung hindi nangyari ito. Hindi lahat ng mga schoolmates ko magiging malaking pulang ekis lang sila sa games kung hindi nangyari ito.
Kung hindi lahat nangyari ito, buhay pa sana sila at makakabalik sa pamilya nilang naghihintay pa rin at hinahanap sila hanggang ngayon.
Umaasa akong hinahanap nila kami ngayon at nagpadala na ng mga pulis o kung ano man imbestigador na kayang buwagin ang kaganapan sa loob ng eskwelahan na ito.
Ngunit, hindi ko maramdaman na may dadating na rescue sa labas ng Golden Academy. I feel like whatever Masterminds are controlling this game are powerful enough to manipulate the outside world.
Or am I just being paranoid at this point?
Sa dulo ng pahina ng graduation, makikita ang buong mapa ng school. May napapansin akong pattern kaya pinatong ko ang mapa ng library katabi nito.
"Guys! Check this out!" Pagtawag ko sa kanila. Agad nila akong nilapitan at tinabihan ako upang silipin ang dalawang mapa.
"All this time, the maze is the school grounds itself." si Lothaire. "At ang pattern ng bawat kulay halos kaparehas lang, nag-iiba lang ang point-of-view kaya mukhang nagbabago."
"Loko-loko gumawa nitong maze!" Kinamot ni Oslo ang kanyang ulo. "Sino naman makakahula niyan?! Napakahirap naman nito!"
"Saan ang daan papunta ng exit?" Tanong ni Enid.
"Isa lang ang gate ng entrance at exit ng mga students ng Golden Academy. Most likely, ito rin ang magiging exit natin sa maze." Sagot ni Lothaire.
Sinundan nila ang daliri ko na nakaturo sa daan ng maze papunta sa exit hanggang sa huminto ang daliri ko roon. Nasa pinakadulo at sentro ng frontside ang exit ng maze.
Ang problema... Babalik kami sa daan kung saan natakasan namin ang tatlong Librarian...
Habang nagpaplano sila kung ang magiging ruta namin para makapunta sa exit at paano namin maiiwasan ang mga Librarians kung sakali makasalubong namin sila, humarap ako sa isang bookshelf kung saan kumuha ako ng libro at binuklat ito.
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...