Prologue

147 12 13
                                    

Warning: This story contains violence, gore, murder, fatalities, and suicide.

***

Prologue


Nakapila kami sa auditorium habang hinihintay ang pagtawag ng pangalan namin. Sa sobrang bored ko kakahintay, binilang ko ang mga graduates sa pilahan, umaabot ito sa bilang ng higit 365 students. Ganyan ako ka-bored.

Inayos ko ang suot ko na headband na kulay ginto sa harap ng reflection ko sa glass. Binaba ko ang mga nakalitaw na buhok ko para hindi magmukhang magulo bago ko sinuot ang toga hat sa aking ulo.

Suot ko ang school uniform ko sa ilalim ng toga na may halong kulay itim katulad ng gabi at ginto na kumikinang kapag naliliwanagan. Kung pwede lang sana pumunta ang pamilya ko sa graduation ko, baka inayusan pa ko ng aking ina.

I was looking forward to seeing them again. Lumipas ang ilan taon ko rito sa Golden Academy na hindi sila nakikita, parte kasi iyon sa protocol ng eskwelahan, hindi pa nila kami pwedeng makita hangga't hindi kami nakakalabas ng academy.

Kaya kahit graduation na namin, wala kaming kasamang magulang o kapatid at kami-kami lang din mga estudyante at teachers ang magkakasama.

Graduating na ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong mga kaibigan. Ako lang yata ang graduating na walang makausap, lahat sila'y may kasama sa picture at tawanan habang ako naman ay nakatayo lang sa isang gilid.

Nagsimula ang graduation anthem na dumadagundong mula sa espiker ng auditorium. Nagsimula ang martsa ng nasa pinakaunahan mula nang tawagin ng speaker ang pangalan niya.

Malapit ako sa bandang likuran dahil sa apliyedo ko. Umuusad ang pila kada pagtawag sa estudyante hanggang sa ako na ang susunod na tatawagin.

Nang binanggat ng announcer ang pangalan ko, naglakad ako papasok ng pinto. Sa hindi ko malaman na dahilan, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sinalubong ako ng makintab na liwanag, ang bandila ng Golden Academy na kumakaway sa entablado, at ang tingin ng bawat estudyante sa paligid pati na rin ang mga teacher, staff, at principal na nasa stage.

Bumungad ang mukha ko sa malawak na iskrin sa ibabaw ng platform kung saan pinapakita nila ang mga detalye ng graduates.

Pangalan, kasarian, birthday, height, weight, strengths, at weaknesses ang lumalabas.

Name: Cove Molina

Gender: Female

Birthday: June 16

Height: 5'2

Weight: 54kg

Strengths: None

Weaknesses: Mathematics

Grade: F

Sa kabilang iskrin naman, may nakalagay na grade at ang katumbas nito'y halaga ng grade ng bawat estudyante. Hindi ako nagbibiro na may perang katumbas ang grade namin.

A = 1,000,000 php

B = 800,000 php

C = 600,000 php

D = 500,000 php

E = 200,000 php

F = 100,000 php

Premyo kaya namin ito? Kapag siguro straight A student, makakakuha ng 1,000,000 pesos! Ang swerte naman ng valedictorian! Dapat pala nagtiyaga pa kong mag-aral para malaki premyo ko!

Naiinggit tuloy ako sa mga top students. Instant millionaire na sila pagkagraduate nila. Pero kahit F ako, may 100,000 pa rin akong makukuha!

Kahit hindi man kilala ang Golden Academy sa bansa, hindi mapagkakaila ang yaman at prestihiyosong atmospera nito, sobrang strict nga lang nila dahil sa gubat ang lokasyon nito.

Medyo naweirduhan ako sa mga detalye na nakalagay doon dahil ang iba'y wala naman kinalaman sa pagiging graduate namin.

At para saan pa ang grade? Akala ko ba kapag graduating students na kami, tapos na kami sa mga grade-grade na 'yan?

Napansin kong may ilan sa mga teachers ang nagtapon ng barya na gawa sa ginto sa loob ng isang bowl na may mukha ko. Another weird thing to see.

Dumating ako sa upuan ko at sunud-sunod napuno ang mga upuan hanggang sa natawag kaming lahat. Huling pumasok ang mga top students.

Napatingin ako sa lalaki na naglalakad sa gitna nang tawagin siya, salutatorian siya sa kabilang klase. Sinusundan ko ng tingin ang itim niyang mata at sunod na tiningnan ang detalye niya sa iskrin.

Name: Lothaire Santiago

Gender: Male

Birthday: May 8

Height: 5'9

Weight: 68kg

Strengths: Mathematics, English

Weaknesses: Physical Education

Grade: A

Serioso ang mga tingin ng bawat guro sa iskrin, ang iba nagte-take down notes pa at bumubulong sa katabi nila habang natango naman ang isa. Naging ganyan lang sila noong tinawag ang mga top students na parang nabuhayan sila ng diwa.

Humikab ako habang nagsasalita ang principal, giving his speech about our future and success na wala akong pakielam pakinggan.

I'm sure he repeated the same speech from the previous graduates before.

"Every student is gold. They each have their own value brought out by their own blood, sweat, and tears for enduring hardships and pain to reach for success."

Yada yada. I've heard that phrase many times during flag ceremonies. Nakakaumay nang pakinggan. Mabuti na lang graduating na ko at hindi ko na 'yan maririnig ulit.

"As graduates of Golden Academy, I present to you, our tradition to our dearest graduates," anunsyo ng principal. Ewan ko ba pero kinikilabutan ako sa ngiti niya. "Each of you have a future and success to offer to our society. But the first thing you must do is escape."

Escape from what?

Tumunog ang kampana at umalingawngaw ito sa aming paligid na halos nakakabinging pakinggan ito, hindi ko maiwasan mapatakip sa tainga ko.

Napansin ko rin ang iba'y napatakip sa tainga nila, ilan minuto ang lumipas bago huminto ang kampana. Napalibutan kami ng mabigat na katahimikan.

Nagulat na lang ako nang biglang may inilabas na mga baril ang bawat guro habang nakaturo iyon sa amin. Ang ilan pa sa kanila'y may dalang itak, kutsilyo, o chainsaw na kahit hindi man iyon baril ay nakakatakot pa rin itong tingnan.

Napaatras ang mga estudyante sa pinakaharapan pero walang tumatakbo o nakibo, masyadong nabigla ang lahat sa nakita nila bago tuluyan pumutok ang mga bala.

Pinagbabaril nila ang mga nasa unahan, naunang namatay ang mga top students kasama rin ang valedictorian at salutatorian ng klase ko. Puno ng bala ng baril ang kanilang katawan hanggang sa tuluyan silang bumagsak sa sahig, nalulunod sa sarili nilang mga dugo.

Nakakabinging sigaw ang lumabas sa lalamunan ng katabi ko, kasing-lakas ng tibok ng aking puso na pumipintig sa tainga ko.

Sa sobrang pagkabigla ko'y, umatras ako sa upuan at nahulog sa sahig, pagapang akong umaatras na nakatitig pa rin sa bangkay nila at sa mga gurong may dalang baril.

Nagsitakbuhan ang mga estudyante palabas ng pinto, natabunan ang graduation anthem ng mga sigawan na may halong takot mula sa mga boses nila.

May mga nagtutulakan, nadapa, at natapakan sa sahig para lang makaalis sa auditorium, desperado at nag-uunahan na mabuhay at makatakas sa mga mamamatay tao.

Agad akong bumangon mula sa sahig, kumaripas ng takbo sa pagitan ng mga nakakalat at natumbang mga silya ng auditorium habang lumalakas ang putok ng baril sa paligid.

Tumingin muna ko sa likod at nakita ang Principal na nakatayo sa harap ng podium, nakangisi habang inilahad ang kanyang kamay sa ere na para bang inaalay niya kaming mga estudyante na pinapatay nila sa kanilang malagim na laro.

"May every student become golden!"


MageAestheria

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon