Chapter 29

10 1 7
                                    

Chapter 29

Who Are You Surviving For?


In my last desperate attempt, hinagis ko ang linya ng cable na nahulog kasama ko bago nagsarado ang sahig ng arena. Naipit ang cable sa sahig kaya nagawa kong sumabit doon at naiwasan bumagsak sa mga apoy ng Impyerno.

Pinulupot ko ang aking katawan sa cable, hugging myself against it while I'm dangling above the fires of hell.

"Lothaire!" sigaw ko.

"We got you, Cove! Hawak namin ang linya na hinagis mo sa'min!" sagot niya mula sa kabilang side, his voice muffled through the wall separating between us. "'Wag kang bibitaw!"

"AHH!" Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit ng init at apoy sa loob ng Impyerno. 

"Nandito kami, Cove! Hindi kami bibitaw!" paalala ni Enid.

"No! Kailangan niyo umalis bago bumukas ang sahig! Mahuhulog kayo sa Impyerno kung hindi kayo umalis dito!"

"Pero kung umalis kami, walang kakapit sa'yo at mahuhulog ka!"

"Hindi ka namin hahayaan na mawala!" dugtong ni Oslo.

"Cove, there has to be a way to get you out of this," desidido si Lothaire.

"Just leave! Habang may oras pa kayo, pumunta na kayo sa Langit!"

Napalibutan kami ng katahimikan. Time is running out. Kung nagtagal pa sila sa sahig, mahuhulog din sila!

"Wait! I have a plan!" sigaw ni Lothaire bago ko narinig ang kanilang mga yapak na lumayo sa'kin.

Lumipas ang oras at nanatili akong nakasabit sa cable, naiinitan at pinapawisan na tila bang nasa loob ako ng oven. Humahapdi ang balat ko sa sobrang init.

Mukhang hindi pa rin nila ito binibitawan. It's only a matter of time before the floor opens again.

Nang bumukas muli ang sahig ng arena, bumungad sa'kin ang liwanag na nagpasilaw sa mga mata ko. Nang nag-adjust ang paningin ko sa paligid, natanaw ko silang nakakapit sa cable ko mula sa plataporma na nakasabit sa gitna.

Lahat sila'y hinihila ang kinakapitan ko kung saan nakasalalay ang aking buhay upang hindi ako mahulog sa Impyerno.

"One minute left."

Habang umaakyat ako sa cable palabas ng Impyerno, nasisilyan ko sa gilid ko ang mga nahuhulog ng ibang tao sa Impyerno habang nasigaw sila.

Biglang gumalaw muli ang sahig ng arena para magsarado, nagpaunahan kami kung sino ang mauuna... ako o ang Impyerno.

Binilisan ko ang aking pag-angat, kahit sumakit man ang mga kamay ko at buong katawan ko mula sa init, kahit tumatagaktak ang pawis sa mukuha ko, nagpursigido akong makalabas ng Impyerno. 

Inaangat din ako ng mga kaibigan ko, naririnig ko silang dumadaing at nagtutulungan hanggang sa nakalagpas ako sa sahig ng arena. Nagsarado ito at halos muntik pang maipit ang paa ko sa pagitan nito kung hindi ko ito kaagad inangat.

"Part two of Langit, Lupa, Impyerno is over. You have completed the game." Pagkarinig ko ito sa announcer, agad akong bumitaw sa cable at humiga lamang sa sahig.

For one last time, Hell gave me one last of its punishment by burning me alive.

Napasigaw ako sa sobrang init ko, hindi ko namalayan na nasusunog na pala ang damit na suot ko. I screamed when the fire engulfed around my body.

"COVE!" sigaw nila at narinig ko ang kanilang mga yapak na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Lahat sila tinanggal ang suot nilang pang itaas na uniporme bago ito pinagpag sa kumakalat na apoy sa katawan ko. Umapaw ang usok sa katawan ko pagkatapos nilang maapula ang apoy.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon