Chapter 28
Impyerno
In some sick twisted fate, all of us had a taste of murder.
Hindi ko alam kung ito ang parusa sa'min ng Masterminds kaya pinili kami na maging taya o sadyang minalas lang talaga kami.
Cruelty is fate.
We have no control over the fate in our lives. Some receives the best blessings in the world while some receives the worse of mankind's atrocity. And the saddest reality is our fate is sealed the moment we are born.
Our fate led us to here in this moment where we are left with impossible choices just to stay alive. None of us will recover from the mental turmoil the games instilled upon us. None...
But is it really possible to change one's fate?
The gunshot echoed around us to the point my ears started ringing. Lumingon ako kay Mordecai na nanatiling nakatayo, nalaglag ang kanyang panga.
Was he hit? Saan siya natamaan? Sa ulo? Sa dibdib? Bakit hindi siya makaimik?
Did Lothaire kill Mordecai?
"Mordecai!" Sigaw namin.
Pero hindi siya bumagsak mula sa putok ng baril. Nakatitig lang siya kay Lothaire bago niya binaba ang hawak niyang baril na umuusok pa.
"L-Lothaire?"
Tahimik na naglakad si Lothaire na hindi nalingon sa'min. Nakatingin lang siya nang diretso sa likod namin, kung ano man ang tinamaan ng baril niya.
Tumabi kami sa gilid para makadaan si Lothaire. Nang lumingon kami sa direksyon na tinititigan niya, nanlaki ang mga mata namin.
Naglakad siya papunta sa lalaki na gumagapang sa sahig, a trail of blood behind him where he was shot on the spot. Tinapakan ni Lothaire ang likod nito para tumigil ito na gumapang bago niya tinuro ang baril sa likod ng ulo niya.
"Please... please don't kill me... ayokong mamatay..." pagmamakaawa ng lalaki.
"Naaala mo si Bernard?"
"H-Huh?"
"Si Bernard? 'Yung siniraan mo ng buhay?"
"Hindi ko siya kilala! Wala akong ginawang masama sa kahit sino!"
Bumuntong-hininga si Lothaire, mukhang hindi siya makapagtimpi sa kausap niya, "Hindi mo talaga maaalala lalo na't ikaw ang naglagay sa kanya sa wheelchair."
Nanlaki ang mga mata ng lalaki na tila bang naalala niya na ang tinutukoy ni Lothaire. He clasped his hands together and bowed his head, begging for forgiveness.
"I'm sorry! Gusto ko lang maka-graduate! Humihingi ako ng tulong sa kanya pero ayaw niya kong tulungan!"
"No, you were trying to copy him during the exam," Lothaire's tone became cold and angry, dama ang pagkontrol niya sa galit at halatang gusto niyang saktan ito. "Kinukulit mo siya na magpakopya sa'yo at 'nung hindi siya pumayag, nagalit ka sa kanya. He almost got punished because of you. He lost his ability to walk because of you. Muntik siyang tanggalan ng honors kung hindi lang napatunayan ni Bernard ang pangongopoya mo."
"Ayoko lang bumagsak! Mapapagalitan ako ng magulang ko kapag bumagsak ako kaya nangopya ako sa kanya!"
"There are people like you who will drag other people down even if it meant breaking them apart," Lothaire continued, raising the gun to the guy's head. "You manipulate people into feeling sorry for you so they will do whatever you want and believe what you say. You disguise yourself as a victim even when your intentions are the exact opposite. You're like a leech in the society and what's worse... there's so many of you alike out there in this world."
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...