Chapter 31

8 1 0
                                    

Chapter 31

Aurum


Lumabas ang aming graduation photos bilang missing posters sa balita.

Nakatuon kaming lahat sa iskrin sa pader habang pinapakita sa'min ang balita, sitting on the floor. That's when we realized why we were brought to this room.

As we watch the television screen, people rallied dahil ngayon lang nagkaroon ng kaso na buong graduated students sa iisang school ay bigla na lang nawala.

"Witnesses heard screaming and explosions coming from the building of the Golden Academy but when investigators entered the Golden Academy premises, wala silang natagpuan na estudyante o mga tao sa loob ng school. Wala rin matagpuan na mga bomba o kung ano man traces ng mga bomba."

Pinakita ang news reporter na maikli ang buhok ang bumabalita sa harap ng gates ng Golden Academy.

"Pagkatapos ng graduation ng mga students sa Golden Academy, ang school bus nila na maghahatid sana sa kanila pauwi ay nahulog sa ilog."

Lumipat naman ito sa isa pang news reporter na lalaki nakatayo sa harap ng barricade ng bridge na nasira. Sunod na pinakita ang school bus namin na nakalubog sa ilog at makikita lang ang likod nito na nakaahon pa sa tubig. Nabula ang paligid nito at may mga nalutang na toga at bag sa paligid nito.

"Authorities speculate that the students have drowned and went missing. It appears to be an accident and the school bus lost control but investigations are still on-going."

Sumenyas ang lalaking reporter sa may kalsada kung saan makikita ang itim na skidmark mula sa bus at ang pagwasak ng barricade ng tulay.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ang bangkay ng nawawalang graduates."

Pinakita ang graduation photo namin lahat. When I saw my face there—our faces—I was shocked at how surreal this is.

They actually think we are dead.

"Maraming mga magulang ng mga nawawalang graduates ang nagsama-sama para mahanap sila pero hanggang ngayon, wala pa rin nararating ang imbestigasyon para mahanap sila kundi ang bus na huli nilang ginamit na natagpuan sa ilog.

Ang nakakapagtaka-taka, bakit bawal ang mga magulang na makapasok sa mismong graduation ng kanilang anak? Alamin natin mismo sa mga magulang ng mga nawawalang graduating students."

Iba't-ibang mga magulang ang nagbigay ng kanilang mga panayam tungkol sa nalaman nila na nangyaring "aksidente" sa'min.

"May pina-sign po silang waiver. Parang ang mangyayari po, may huling field trip po sila pagkatapos ng graduation ceremony pero ilan araw na po kaming tumatawag sa administration, wala pong nasagot."

"Overnight graduation field trip daw pero hindi na bumalik ang mga anak namin?! Anong klaseng school ba naman ito?!"

"Saan nila dinala ang mga anak namin?! Nasaan na sila?!"

Nagulat ako nang makita ko ang magulang ko na iniinterview ng news reporter.

"Marami kaming mga magulang ang sumusugod sa school pero hindi kami pinapapasok man lang papasok ng guard dahil pinagbabawal kami ng may-ari ng lupa na makapasok, iyon pala naaksidente na pala sila! At hindi man lang kami sinabihan!" ramdam ang galit sa boses ni Papa.

"Napaka-incompetent ng may-ari ng school na 'yan! Walang emergency na ginawa, hindi tinawag kaming mga magulang! Pakiramdam ko tuloy na sinadya nila ito!" Yes, Ma! Tama ka! Sinadya nila ito!

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon