Chapter 7

20 3 0
                                    

Chapter 7

Forced Alliance


The third game is going to be deadlier. 

My heart is hammering through my chest, all of my sensations are heightened and preparing for the worse. One of the scariest parts of the game is before it even starts.

We'll never know what may happen to us.

"Failing to find a teammate or form a team will be automatically eliminated." The announcer reminded again.

Nagising ako mula sa pagiging paralisado ko. Kinurot ko iyong braso ko. Hindi ko pwedeng hayaan na manigas ako sa takot. Kailangan kong magpokus at lumaban kahit natatakot ako.

We need two teammates to be able to compete in the Marathon. If we don't find them soon, we'll be dead.

Ako, si Lothaire, atsaka si Enid. Dalawa pa. Ang tanong, sino naman ang gustong sumali sa grupo namin na magkakatiwalaan namin?

Nagtanong-tanong kami kung sino ang wala pang mga grupo at kung pipiliin nilang sumama sa team pero hindi lang kami basta-basta lumalapit sa kung kanino.

Pinipili lang namin ang sa tingin namin ang matino at walang kababalaghan na intensyon laban kay Lothaire ngunit mahirap din malaman kung lahat sila nagbabait-baitan lang sa harap namin. 

Karamihan masyadong obvious dahil sa pagtingin nila kay Lothaire, kung wala lang 'yung rule na bawal umatake ng ibang grades off-games, matagal na nilang inatake kami.

There's a lot of people here we can't trust.

Karamihan ng nilapitan namin ni Lothaire at Enid ay mga nag-iisa lang o nakaupo lang sa gilid dahil walang ibang team na gustong umampon sa kanila.

But even they are avoiding us.

When I ask if they want to join, may ilan na sinigawan ako. Ang iba naman ay lumalayo na lang na para bang natatakot silang na baka masaktan ko sila, at iba'y hindi ko na makausap dahil may pinagdadaanan silang mental breakdown.

"It's no use," sabi ko atsaka sumandal sa pader para makapagpahinga kakalakad namin. "Kung ayaw ng ibang sumali sa'tin, ang iba naman ay gusto lang sumali para kunin ang perang nakataya sa buhay ni Lothaire."

"Tatlo pa lang tayo. Kapag hindi tayo makukumpleto, ma-e-eliminate lang tayo!" napapadyak si Enid sa sahig.

"Maybe they are doing it on purpose, to let me die before the game even starts." hinimas ni Lothaire ang baba niya.

"I won't let you die." sabi ko at napatingala sa akin si Lothaire mula sa kakaisip upang ngitian ako.

"Edi kanino mapupunta ang pera mo?" tanong ni Enid.

"Probably the teams who will win," sagot niya. "Lalo na't kung dumadagdag ang pera natin, mas malaki siguro dadagdag sa kanila kapag napatay ako bago magsimula ang games."

"No wonder why the Masterminds don't allow killing off the games." Iritado kong sabi.

"Exactly," Lothaire agreed. "Para maiwasan nila ang ganitong scenario. Unless they don't have a choice like this one."

"Makakahanap pa tayo ng mapagkakatiwalaan natin. Sigurado ako."

Magkakasama ang mga athletic at malalaki ang katawan, ang mga matatalino sa Grade B, at iba pang halu-halong mga Grades sa isang team.

"Naghahanap pa kayo ng kasama?" 

May lalaking lumapit sa amin. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya at may suot siyang chain necklace. Amoy gel ang buhok niyang naka-sway sa gilid.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon