Chapter 19

13 3 0
                                    

Chapter 19

The Library


Pinagpalit nila kami ng damit. Hiwalay ang boys sa girls. Hindi lang ako naging komportable dahil kahit sa pagpalit namin, pinapanuod pa rin nila kami mula sa security cameras sa bawat sulok at tuktok ng room.

We never have any privacy. They are always watching.

Pinatayo nila kami sa bawat dressing stall namin. Pumasok ako sa loob at may sumalubong na box na nakapatong sa maliit na lamesa.

Napalunok ako nang bahagya nang binuksan ko iyon atsaka inangat ko ang laman ng box. Ito ang traditional school uniform namin.

It has a black medium-size skirt, and white long-sleeves topped with a black coat, it has a golden shimmering symbol of the Golden Academy sigil near the collar and on the back of our coat. I slipped on my legs into a tight black stocking and wore a pair of loafers just the right size for my feet.

Nilingon ko ang mga kasama ko sa dressing room. We all look almost identical dahil pare-parehas ang mga suot namin. But it's easier to distinguish each other's faces and hairs.

Hinayaan ko lang ilugay sa akin. Itinali naman ni Enid ang buhok niya. We sat on the bench together side by side, watching the other girls habang kumakain kami ni Enid ng cup noodles.

"Cove, Natatakot ako... Natatakot ako para sa'tin at sa anak ko." Bulong niya.

Napansin ko ang panginginig ng katawan ni Enid. Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko ang pangangatog nito.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kaya kailangan mong manatiling matatag at matapang sa harap nila dahil kapag nakita nila ang kahinaan mo, gagamitin nila iyon laban sa'yo."

Enid took a long shaky breath, then exhaling it through her mouth. Inulit-ulit niya ito hanggang sa kumalmado ang panginginig ng katawan niya.

"Sundin lang natin ang strategy ni Lothaire. We'll stick together. Habang magkakasama tayo, walang masamang mangyayari sa atin." I reached for her hand and squeezed it, reassuring her with a smile.

Tumango-tango siya, "Tama ka. Malalagpasan natin ito basta't hindi tayo maghihiwalay."

This brings me back to a time where school used to be normal, where there weren't any sick games and everyone got along well together.

Kahit si Ponsol, he wasn't as bad before and he only went insane because of the games. Kasama siya sa student council na nag-aadvocate ng anti-bullying sa school.

Just like everyone else in the games, they were all decent and nice people. Simula nang naganap ang games, naglaho ang kanilang moralidad at naging prayoridad ang mabuhay kahit kapalit nito'y kabutihan ng isang tao.

People's true character emerges in the face of death.

"Fifteen minutes is over! Let's go!"

Lumabas na kami ng dressing room para pumila sa harap ng vintage double doorway ng library. It has one plant vase besides each side of the door with golden flowers blooming.

The shape and intricate symbols of the door are made up of swirls and the crest of the Golden Academy at the center.

I stood by waiting and thinking of all the times what a lousy student I was.

Ako ang tipo na estudyante na pumapasok lang sa eskwelahan dahil kailangan kong gawin, hindi dahil ginusto ko.

Wala pa nga kong naiisip kung ano ang magiging pangarap ko, kung ano ang gusto kong gawin sa buhay, iniisip ko lang na kung grumaduate ako, makakatulong na ako sa pamilya ko at mababawasan ang problema namin sa bahay.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon