Chapter 35
Mataya-taya
It was another nightmare. I was getting used to it until it showed me their dead bodies.
Nakatayo ako sa gitna, napapalibutan ng mga dugo at bangkay sa paligid ko. Hindi ako makasigaw o makagalaw kahit alam kong may gumagalaw sa dilim na gustong saktan ako.
I knew it was a dream but why do I get this feeling that even when I wake up, I'm still in that dream?
Nagising ako na pinapawisan at nilalamig at the same time. Napabalikwas ako sa kama, nililigoy ang aking paningin sa paligid nang makaramdam ako ng kakaiba sa room.
Tinitigan ko nang maigi ang kwarto hanggang sa mag-adjust ang mga mata ko. Dito ko napansin na mga drawings ang mga furniture sa paligid ko na nasa pader maliban sa hinihigaan kong kama. It has thick black outlines and colors like the entire room is based on a coloring book.
The only source of light came from the frame of the door. Maski ang pinto ay drawing lang din dahil wala akong nakikitang nakaumbok na doorknob. Instead, the door slid open on the side of the wall.
Tinakpan ko ang aking mata nang salubungin ako ng liwanag sa labas, pero hindi ito ang liwanag ng araw kundi mga ilaw sa building tuwing gabi. Outside was a field of grass and darkness beyond it.
Panaginip lang ba ito?
No... this could be another game, and the game has already started.
Agad akong nagpalit ng damit na maisusuot ko. Sa gilid, may makikitang nakatiklop na damit. I guess that's our uniform for this game.
Sinuot ko ang white shirt at track suit na kulay itim at ginto. Itim ang kabuoan nito pero ang mga linya sa damit ay kulay ginto naman. May logo ng school sa kanan bahagi ng dibdib.
Inayos ko muli ang gold headband sa ulo ko sa harap ng salamin. I couldn't let this one go knowing it reminded me of the days that were golden before.
Sinilip ko muna ang labas mula sa gilid ng pinto. Ang nakikita ko lang ay puro mga damo sa paligid at ang mga benches na nakapalibot sa field. It was night so everything around us was dark except for the lights turned on around the buildings, from fluorescent lights to lamp posts.
There were chirping of the crickets from the woods, the breeze brushed through my skin, making me shiver and I rubbed my own arms for warmth.
Nasilayan ko ang ilan mga graduates na naglalakad sa damo, nililigoy ang paligid nila. Napasunod na rin ako at lumabas na ko ng kwarto.
Nanggaling kami sa isang box na nagmistulang kwarto namin. Ang mga box rooms ay nakahile-hilera na tig-anim na magkakasunod na may namamagitan na spaces sa bawat isa.
Lumingon ako sa ibang graduates at wala sa kanila ang mga kasama ko sa team. Mga ka-schoolmates ko.
"Welcome to the 9th game of the Golden Ceremony and it's called Mataya-taya. Every graduate has a neck collar during your 24-hour game. The red dot in your collar indicates if you are tagged as "it". You must pass this to another player who has a blank dot before time runs out. If you are still "it" after the timer ends, your head will explode."
I heard gasps around me. Maski ako napakapa na rin sa aking leeg at naramdaman ang makapal na device collar na mahigpit na yumayakap sa leeg ko.
"Your boxes are summoned in different places around the school. The entire Golden Academy is your arena except for the outside. Going outside will be punishable by death. Killing another graduate is also punishable by death."
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...