Chapter 21

13 2 2
                                    

Chapter 21

Book of Many Faces


Ayoko siyang nakikitang masaktan pero wala kaming kalaban-laban sa tatlong Librarian na nasa ilalim lang ng mga paa ni Lothaire... at isa sa kanila nakakapit sa bukong-bukong niya.

The more we struggle and fight through this tug-of-war... the more Lothaire is slowly breaking apart.

"'Wag kang bibitaw, Lothaire!"

Habang tumatagal ang paghigit namin sa kanya, mas lalo siyang sumisigaw sa sakit, pakiramdam ko tuloy nahahati siya sa gitna dahil sa nangyayari.

I did what almost anyone would think is insane and unthinkable.

Kinapitan ko ang hawakan ng kutsilyo na nakabaon sa aking kaliwang braso gamit ng kanan kong kamay. Huminga ako nang malalim, embracing myself for the intense pain I'll ever feel.

Hinigit ko ang kutsilyo na nakasaksak sa aking kaliwang braso na siyang nagdulot ng pagdaing at sigaw mula sa akin, dahil hindi ko magawang ihigit ito nang isang bagsakan naging dahan-dahan ang pag-angat nito sa aking balat hanggang sa tuluyan itong natanggal.

"Ahh! Shit!" Dahil sa pagtanggal ko ng kutsilyo, mas lalong lumala ang pagdurugo at pagtulo ng mapulang dugo sa aking braso. Bigla akong nakaramdam ng panghihina pero pinilit ko ang sarili ko na tiisin lang ito at labanan ang panghihina ko.

"T-Take this!" Inabot ko ang kutsilyo sa isa niyang kamay bago muling kinapitan ang kanan niyang palad ng magkabila kong kamay.

Sinipa-sipa ni Lothaire ang Librarian sa mukha na nakakapit sa kanya pero hindi ito natitinag sa kanya at magawang bitawan siya. Inanggulo niya ang kutsilyo na hawak niya bago niya isinaksak ito sa mata ng Librarian.

Napasigaw ito habang umaatras at nakahawak sa mukha niyang nagluluha ng dugo, tuluyan niyang binitawan si Lothaire dahil sa ginawa niya.

Unti-unting umaangat ang katawan ni Lothaire mula sa paghigit namin hanggang sa tuluyan siyang nakabangon sa tuktok ng bookshelf at bumagsak ang katawan niya sa tabi namin. Umapaw muli ang usok ng halikabok mula sa kanya, we're all covered in dusts and sweat at this point.

"Lothaire!" Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Sobra akong nag-alala sa kanya, sobra akong natakot na baka bigla siyang mawala sa akin sa puntong iyon... ngunit mabuti na lang hindi ito nangyari sa kanya.

"Oh no, Cove! You're bleeding!" Kumalas siya sa yakap kung saan parte ng uniporme niya'y namantsahan mula sa dugo ng braso ko, his face pale and panic-stricken before kneeling in front of me.

Agad na tinanggal ni Lothaire itim niyang atsaka pinunit-punit ito. He tore the left side of my long-sleeve uniform to reveal my left arm dripping with blood from the stab. Pinangbalot niya ito sa nagdurugo kong braso at hinigpitan ang pagkatali nito.

Inalalayan akong tumayo ni Lothaire. Naging tahimik sila dahil napatuon sila sa sugat ko. It's a huge liability because this puts us on a timer.

Naramdaman ko ang marahan na kamay ni Enid na umakbay sa akin. Her soft and kind eyes is slowly in the verge of tears.

"Kailangan natin dalhin si Cove sa clinic o ospital!" Naghihisterikal na si Enid.

"We're in the games. Ano gagawin ng mga Masterminds? Palayain siya? Ohh, sige. Hayaan namin siya pakawalan kasi nasaksak siya. Gano'n lang ba kadali 'yon?" Sarkastik ang tono ni Oslo na nagpa-inis lang kay Enid.

"I'm fine, I swear." I waved my hand to stop them from going near me. "Hindi ako ang priority. Please lang, kailangan natin unahin na hanapin si Mordecai, then sunod ang exit."

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon