Chapter 2

39 5 10
                                    

Chapter 2

The Girl From The Butchered Restroom


Ang bilis ng pangyayari. Pagkasugod ni Lothaire kay Professor Sharp, iniwasan niya ang kutsilyo na muntik nang tumama sa tiyan niya atsaka parehas silang bumagsak sa sahig.

Kumapit si Lothaire sa pulso ni Professor Sharp atsaka pinaghahampas ito sa sahig upang mabitawan niya ang kutsilyo hanggang sa tuluyan dumausdos iyon mula sa kapit niya.

"Cove! Run!" sigaw ni Lothaire sa akin. Nilalabanan niya si Professor Sharp upang makatakas ako pero siya naman ang nalagay sa peligro.

"I won't leave you behind!"

Pinulot ko ang kutsilyo na nakakalat sa sahig. Sinuntok ni Professor Sharp ang mukha ni Lothaire dahilan para matumba siya sa gilid mula sa impact nito.

Tinuro ko ang kutsilyo kay Professor Sharp na siyang nagpahinto sa kanya na saktan si Lothaire. Nilapitan ko si Lothaire habang binabanatayan pa rin ang kalaban namin na nakatingin lang sa amin, hindi makagalaw dahil hawak ko ang armas niya.

"Umalis na tayo!" sabi ko sa kanya.

Mabilis lang ang pagtingin ko sa kanya at nakita kong nagdurugo ang kanyang ilong. Pinahid niya iyon gamit ng sleeves ng kanyang puting polo.

"Not until we get answers from him." sabi niya.

Adrenaline is circulating my body. I could run and hide or stay and fight with him. But I didn't do both.

I chose to stay to protect Lothaire while he's interrogating one of our enemies.

Marahas ang lakad ni Lothaire palapit sa kanya atsaka sinuntok siya sa mukha. Professor Sharp fell backwards from the hard punch. Napahawak naman si Professor Sharp sa pisngi niya na nagmamaga mula sa kanyang suntok.

"Bakit niyo ito ginagawa? Para saan ito?" Lothaire clenched his fists, his livid eyes burning with rage.

"At bakit naman kita isasagot?"

Sinuntok muli ni Lothaire ang professor pero ngayon naman ay sa tiyan niya. Napaubo siya at kumapit sa kanyang sikmura, ngumingiwi sa sakit.

"Tell us what the fuck is going on here!"

Hindi sumagot ang professor kaya pinagsusuntok muli ni Lothaire sa mukha at tiyan. Halos isang minuto ko siyang pinanuod na binubugbog iyon habang nanginginig ang kamay ko sa hawak kong kutsilyo.

Huminto si Lothaire at umatras kay Professor Sharp na nagdurugo ang mukha, nakahandusay siya sa sahig atsaka dumura ng dugo sa gilid niya. Blood dripping down from Lothaire's fists.

"You're in a game." Professor Sharp's voice sounded exasperated and beaten.

"What kind of game?"

"A game where you're playing with your lives."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Paano ito nangyari? I just want to graduate para makahakbang ako sa susunod na yapak ng buhay ko.

By this time, graduation would've already ended. Nakauwi na kami sana lahat ngayon kung hindi lang nagsimula itong laro nila.

"Is there a way for us to escape?" tanong ko.

Ngumisi si Professor Sharp sa akin atsaka humalakhak ng nakakakilabot na tawa.

"The only way to escape is winning the game."

Inisip ko lahat ng paraan kung paano ko siya sasaktan gamit ng hawak kong kutsilyo, pero natatakot akong manakit ng tao. Hindi ako katulad nila na ginawang laro at katuwaan ang pumatay ng iba.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon