Chapter 23

10 2 0
                                    

Chapter 23

Death Room


Akala ko makakalaya na kami.

How naive of me to expect freedom in the games? I thought there could be a loophole, a chance for us to escape but I was wrong, it led us into a trap instead.

We can't cheat our way out of Golden Ceremony. Punishment means death here.

Nayanig kami mula sa biglang pagbabago sa aming paligid. Sabay-sabay kaming tumingala sa kisame at napansin namin lahat na gumagalaw ito. Specks of dusts and grains of cement dribbled down on top of our heads.

The ceiling is moving.

Dahan-dahan bumababa ang kisame, slowly closing the gap between us standing on the floor. Umalingawngaw ang classical music sa buong paligid namin.

"Well, we're definitely screwed big time," Mordecai rubbed his hair out of frustration.

"Screwed?! We're going to die, Mordecai!" I shouted at him. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kalmado pa rin siya sa lahat ng nangyayari. Either he's too dumb to realize how dangerous the situation is or he just doesn't care about his life at all!

Wala ba siyang pamilya na kailangan niyang balikan?

"We need to find a way out of here but how?" sinuri ni Lothaire ang paligid, trying to find clues on the walls and rubbing his palms there for secret buttons or something.

"Bumalik tayo sa vent na dinaanan natin!" sigaw ni Enid habang tinuturo ito.

Pagkalingon namin sa direksyon ng vent na pinanggalingan, nakasarado na ito. Lahat ng paligid nakasarado. Sinubukan namin hanapan ng malulusutan pero wala nang labasan. Walang pinto. Walang bintana. Walang kung ano man butas na pwedeng lusutan.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Oslo habang hinahampas at pinagsisipa ang pader kung saan ang exit kanina. Or at least, we thought it was an exit.

Lumingon ako sa ibang kasama namin na graduates, may isang babae nakaupo sa sahig at umiiyak. May lalaki naman na tumatakbo at hinahampas ang pader, kinakapa ito upang makahanap ng paglalabasan.

"Saan kayo nanggaling?" Tanong ni Lothaire sa kanila.

"Sa vent ng Library." Sagot ng lalaki.

"I'm Lothaire. This is Cove, Enid, Oslo, Gabriel, and Mordecai." Pinakilala kami ni Lothaire sa kanila.

"I'm Paulo, ang pangalan naman ng girlfriend ko'y si Mika."

Lumingon kami kay Mika na umiiyak at yakap ang kanyang hita. Magang-maga ang mata niya habang bumubulong siya sa kanyang sarili.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Paulo.

"Nagka-panic attack ang girlfriend ko simula nang gumalaw 'yung kisame. Naghahanap ako ng exit."

Agad na nilapitan ni Enid si Mika para ihagod ang kanyang likod at yakapin siya. Patuloy na humahagulgol si Mika, basang-basa ng luha ang kanyang pisngi at ang paghinga niya'y malalim pero kinakapos. Ramdam ang kanyang panic sa hindi maayos na paghinga niya.

"Mika. Mika. Sundan mo ko, ah? One, two, three, breathe in." Huminga nang malalim si Enid, sinundan ito ni Mika. "Breathe out."

Ilan beses nila itong inulit-ulit pero hirap pa rin ang paghinga ni Mika. Nasilayan kong si Oslo na nakatingin kay Enid habang hinahagod niya ang likod ni Mika.

"Ohh, try mo ito," inalok ni Mordecai ng lollipop si Mika. Tiningnan niya muna ito bago siya umiling-iling, hindi pinapansin si Mordecai na nasa harapan niya. "Mahirap talagang huminga kapag mabaho hininga ng katabi mo."

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon