[Third Person]
Lumipas ang ilang araw, balik na ulit sa dati ang relasyon nina Vin at Zoe.. sa ngayon wala pa silang pinoproblema, wala na rin silang balita kay Xenon matapos ang malagim na gabing yun.
"Mahal ko.. tara na kaen na tayo" tawag ni Vin sa asawa, nakita nya itong naglalakad karga karga ang anak nilang si Crystal..
Di pa rin naaalis sa kanila na baka may mangyare sa anak nila.. dahil sa nangyare sa Black Demon Gang, alam na nilang magsisidatingan na ang mga kaaway nilang gang mula sa Japan at iba pang panig ng mundo.
"Do we need to send her to Los Angeles? I'll miss my baby.. at baka mahirapan lang si Papa sa pagaalaga sa kanya dun.." sambit ni Zoe
Napagusapan kasi nilang dun muna patirahin sa LA ang anak nila kasama ang Papa Lance ni Zoe. Para na rin sa kaligtasan ng bata.
"It's for her own good babe.." sagot ni Vin
Nagsimula na silang kumaen..
*BLAAAG*
Pareho silang napatingin sa pintuan.. mula kasi sa hapagkainan ay kitang kita ang pinto ng entrance ng bahay nila..
Nagulat sila sa nakita..
"K-Kuya?/Aaron?" sabay nilang nasabe..
Samantalang ang batang babae naman ay patuloy pa rin sa pagkain ng kanyang cereals..
"What brought you here?" tanong agad ni Zoe pagkalapit nya dito, hinalikan niya ito sa pisngi
"I heard the news. You did kill them? You break our rule? Seriously Zoe? What comes into your mind that made you do that sh*t?" bungad ni Aaron
"Serves them right Oppa.." walang ganang sagot ni Zoe at bumalik na sa hapag kainan.
"Yes, I do hate them. But Zoe.. pumatay ka" sabi ni Aaron
"Yes pumatay ako. And I don't care. Baka nakakalimutan mong sila ang may kagagawan kung bakit nawalan tayo ng nanay. Kung bakit ako nagdusa? Kung bakit... ugh." naasar na si Zoe.. bat di nya maintindihang matagal na kong nagtitimpi at nagpipigil sa gang ni Harley? isip isip niya.
ˋ︿ˊ
"Anyway.. I also heard na papalitan mo ang pangalan ng Gang.. " pagsisimula ni Aaron..
Nagulat naman si Vin sa sinabi ng bayaw nito. huh? bakit nya papaltan ang pangalan ng gang? isip isip ni Vin
"Nakakasawa na kasi. I want something new. Something Different. Something... that can make them feel goosebumps whenever they hear our name." paliwanag
Bakit? di ba katakot takot ang TOP Gang? ang The Official Pimp Gang.. though hindi ganun ka ganda yung meaning kasi para kaming mga nambubugaw but we dont care about that.. trip lang kasi ung name na yun e  ̄︿ ̄ isip isip ni Aaron
"Ano naman ipapalit mo?" sa wakas nakasabat na rin si Vin sa usapan nilang dalawa..
"Oh pre. Anjan ka pala? Balita ko nabugbog ka daw eh? Tatanga tanga lang? Susugod sugod kasi ng wala man lang pasabe samin ni Zoe. Ayan. Tsk Tsk" pangaasar ni Aaron pero di nya ikakailang nagaalala rin sya sa bayaw nya..
"Tss" yun na lamang ang tanging nasambit ni Vin
---
Sa kabilang dako..
Patuloy pa rin ang pagpapahinga ni Xenon sa bahay nila. Yeah nakasurvive sya sa gulong nangyare. Kahit namatay si Iya at Harley.. kahit pinaslang ni Zoe lahat ng miyembro ng BDG itinira pa rin nya si Xenon..
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)